Maging guardian angel ng mga biktima ng lindol, panawagan ni Cebu Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,730 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mamamayan na isabuhay ang “mission of love” ng mga anghel sa pagdiriwang ng kapistahan ng Guardian Angels nitong October 2.

Sa kanyang homiliya, nanawagan ang arsobispo sa bawat isa na maging “guardian angel” para sa kapwa, lalo na sa mga naapektuhan ng 6.9 magnitude na lindol na tumama sa Cebu kamakailan.

“Let us promise to be angels for one another—especially by sharing our blessings generously with the victims of the earthquake and all who are in need,” ayon kay Archbishop Uy.

Binigyang-diin ng arsobispo na sa kasalukuyang kalagayan ng maraming pamilya sa Northern Cebu na nawalan ng tahanan at kabuhayan, mahalagang magbahaginan ng makakayanan—pagkain, damit, pansamantalang matutuluyan, at higit sa lahat, mga panalangin.

“To be a guardian angel for someone is to protect the weak, to accompany the lonely, and to give hope to those who have lost much,” dagdag pa ng arsobispo.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 72 ang nasawi, mahigit 200 ang sugatan, at higit 200,000 katao ang apektado ng lindol.

Limang simbahan sa arkidiyosesis ang napinsala, kabilang ang Archdiocesan Shrine of Santa Rosa de Lima sa Daanbantayan; Parroquia de San Pedro Apostol sa Bantayan Island; St. Martin de Porres Parish sa Tabogon; San Sebastian Parish sa Borbon; at San Juan Nepomuceno Parish sa San Remigio.

Ayon kay Archbishop Uy, ang kapistahan ng Guardian Angels ay hindi lamang araw ng pasasalamat kundi araw din ng hamon.

“This feast is a day of gratitude—to God for His constant care, and to our guardian angels for their tireless presence. But it is also a day of challenge,” saad ni Archbishop Uy.

Ang kapistahan ng Guardian Angels ay ipinagdiriwang tuwing Oktubre 2. Nagsimula ito noong ika-16 na siglo at pormal na isinama sa Roman Calendar ni Pope Paul V noong 1615.

photo from Archdiocesan Shrine of Sta. Rosa de Lima/Facebook

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 90,121 total reads

 90,121 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 184,151 total reads

 184,151 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 228,419 total reads

 228,419 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 251,528 total reads

 251,528 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 322,588 total reads

 322,588 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 147,206 total reads

 147,206 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top