National Cry for Mercy and Repentance, itinakda ng CBCP sa October 7

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,942 total reads

Dulot ng sunod-sunod na kalamidad at malawakang katiwalian sa bansa; “National Cry for Mercy and Renewal”, itinakda ng CBCP

Itinakda ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pagsasagawa ng ‘National Day of Prayer and Public Repentance’ sa Martes, October 7 kasabay ng Kapistahan ng Santo Rosaryo.

Layunin ng panawagang ito na pagtibayin ang pananampalataya ng sambayanan sa gitna ng sunod-sunod na kalamidad at lumalalang suliranin ng katiwalian sa bansa.

Sa inilabas na liham pastoral, hinimok ni CBCP president Cardinal Pablo Virgilio David ang lahat ng diyosesis, parokya, kapilya, paaralan, pamilya at mga organisasyong simbahan na makiisa sa pagdiriwang.

Kabilang dito ang pagdarasal ng natatanging panalangin simula Martes at tuwing Linggo hanggang sa Kapistahan ng Kristong Hari sa Nobyembre 23, bilang tuloy-tuloy na panawagan ng awa at pagbabagong-loob.

Ang panalangin na pinamagatang A National Cry for Mercy and Renewal ay taimtim na humihiling sa Panginoon na pakinggan ang tinig ng sambayanan na kasalukuyang nahaharap sa matitinding pagsubok.

Ipinunto ni Cardinal David na ang pagdiriwang na ito ay higit pa sa panawagan ng pambansang pagbabalik-loob, sapagkat ito rin ay bahagi ng mas malawak na paglalakbay ng Simbahan sa synodality—isang sama-samang paglalakbay ng bayan ng Diyos na bukas sa pakikinig sa Espiritu at sa kapwa, habang isinasabuhay ang pagpapakumbaba at pag-asa.

Una na ring nanawagan si Pope Leo XIV sa lahat ng mananampalataya na magdasal ng Santo Rosaryo araw-araw ngayong buwan ng Oktubre, na itinuturing na buwan ng Rosaryo, bilang panalangin para sa kapayapaan sa buong mundo.

Iginiit ng Santo Papa na sa gitna ng umiigting na digmaan at kaguluhan sa iba’t ibang bansa, mahalagang manatili ang mga Kristiyano bilang tapat na kasangkapan ng pagkakasundo at kapayapaan sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Binigyang-diin din niya ang tungkulin ng mga Kristiyano na maging saksi na ang pag-ibig at pagpapatawad ay higit na makapangyarihan kaysa sa sugat ng hidwaan at kawalang-katarungan.

Hinikayat pa ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na maging saksi at tagapaghatid ng awa, kapayapaan, at pag-ibig, higit sa anumang pagkukulang o pagkakawatak-watak ng sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 140,656 total reads

 140,656 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 173,984 total reads

 173,984 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 206,129 total reads

 206,129 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 272,192 total reads

 272,192 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 282,434 total reads

 282,434 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top