26,791 total views
Pinasinayaan ng Diyosesis ng Antipolo ang Clinica Diocesana de la Nuestra Señora de la Paz y Buen Biaje sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral.
Pinangunahan ni Bishop Ruperto Santos ang Banal na Misa at ang pagtatalaga sa mga volunteer doctors at dentists na tumugon sa panawagan ng paglilingkod upang mag-alay ng talento at panahon nang walang bayad para sa mga nangangailangan.
Ayon kay Bishop Santos, ang klinika ay nagsisilbing ministeryo ng awa at tanda ng pananampalatayang isinasabuhay sa pamamagitan ng pagmamahal at pagkalinga.
“Here, medical and dental services will be offered gratis et amore—freely and with love. No cost, no condition, only compassion. It is a ministry of mercy, a labor of love, a testament to what faith in action truly looks like,” pahayag ni Bishop Santos.
Nagpasalamat din ang obispo sa mga volunteers at benefactors na naging katuwang upang maisakatuparan ang proyekto, na itinuturing na tahanan ng kapayapaan at paghilom para sa buong pamayanan.
Bukas ang Clinica Diocesana tuwing Linggo, at maghahatid ng libreng serbisyong medikal at dental para sa lahat ng nangangailangan.
“To our community: this is your home, your refuge, your place of peace and restoration. May this clinic be a living prayer. May every touch be a blessing. May every healing be a hallelujah,” ayon kay Bishop Santos.






