Writ of Kalikasan, isasampa sa mining companies sa Davao Oriental

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,263 total reads

Iginiit ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang pagsasampa ng Writ of Kalikasan laban sa mga kumpanya ng minahan sa Davao Oriental.

Kaugnay ito sa malawakang nickel mining operation ng Riverbend Consolidated Mining Corporation at Arc Nickel Resources, Inc. sa Banaybanay, Davao Oriental na nagdulot na ng malawakang pinsala sa mahigit 200 ektaryang lupain at mga ilog sa lugar.

Ayon kay Cardinal David, dapat managot ang mga kumpanyang responsable sa pagkalason ng mga ilog ng Mapagba at Pintatagan, dahil sa mga kemikal na nagmumula sa pagmimina.

“What happened in Banaybanay, Davao Oriental is not just an environmental accident—it’s a crime against the community and creation itself… Heavy rains simply revealed what was already wrong—massive siltation, careless overburden disposal, and weak safeguards that allowed waste materials to overflow into vital waterways,” pahayag ni Cardinal David.

Kinilala ng kardinal ang hakbang ni Governor Nelson Dayanghirang, Sr. sa pagpapahinto ng operasyon ng pagmimina, ngunit iginiit na hindi ito sapat, bagkus dapat kasuhan at papanagutin ang mga may kinalaman sa mapaminsalang proyekto.

Sinabi ni Cardinal David na karapatan ng mga apektadong mamamayan na makamit ang katarungan para sa nawalang malinis na tubig, kabuhayan, at dangal ng kanilang lupain.

Kaya naman binigyang-diin ng pinuno ng mga obispo ng Pilipinas ang pagsasampa ng Writ of Kalikasan upang tunay na maipagtanggol ang karapatan ng bawat mamamayan para sa patas at malusog na kapaligiran.

“A Writ of Kalikasan should be filed against these companies… The mining operators must be held liable for the ecological damage they have caused and compelled to rehabilitate what they have destroyed,” giit ni Cardinal David.

Tiniyak din ni Cardinal David na bukas ang simbahan, sa pamamagitan ng Access to Justice Ministry, upang tulungan ang mga naapektuhan sa Banaybanay.

Hinimok ng kardinal ang mga mamamayan na makipag-ugnayan kay Mati Bishop Abel Apigo, punong pastol ng diyosesis na nakasasakop sa Davao Oriental, upang maiparating ang suporta ng simbahan sa mga naapektuhan.

“Suspend, sue, and hold them accountable — for the sake of our common home,” saad ni Cardinal David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 119,468 total reads

 119,468 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 181,158 total reads

 181,158 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 226,867 total reads

 226,867 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 328,133 total reads

 328,133 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 391,839 total reads

 391,839 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 206,586 total reads

 206,586 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top