Gisingin ang moral na konsensiya, panawagan ni Bishop Santos sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,935 total reads

Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga Pilipino na muling gisingin ang moral na konsensya ng bansa sa gitna ng patuloy na problema ng korapsyon at kawalan ng pananagutan sa lipunan.

Ayon kay Bishop Santos, ang korapsyon sa anumang anyo ay isang malalim na sugat sa kaluluwa ng bansa dahil pinipinsala nito ang katarungan, pinapalalim ang hindi pagkakapantay-pantay, at winawasak ang tiwala ng mamamayan sa mga institusyong dapat ay nagsisilbi sa kabutihan ng lahat.

“It distorts justice, deepens inequality, and erodes trust in institutions meant to serve the common good,” ayon sa mensahe ni Bishop Santos.

Binigyang-diin ng obispo na marami na ang tila manhid sa kasalanan at katiwalian, hindi dahil sila ay likas na masama, kundi dahil sa kawalan ng pag-asa at sa kulturang tila hindi na nagpaparusa sa mali.

Giit ng obispo, “When sin is normalized, virtue becomes exceptional rather than expected.”

Paliwanag pa ng opisyal ng simbahan, ang tunay na reporma ay hindi lamang nagmumula sa mga nasa kapangyarihan kundi nagsisimula sa puso ng bawat mamamayan. Dapat aniya muling itaguyod sa pamilya, paaralan, at komunidad ang mga katangian ng katapatan, katarungan, at malasakit sa kapwa.

Kinikilala rin ni Bishop Santos ang pagkukulang ng Simbahan sa pagtindig laban sa kasamaan at may mga pagkakataong nabigo itong magsalita laban sa kawalang-katarungan.

“If we have failed to speak boldly against injustice, or if our witness has been weakened by our own shortcomings, then we must repent,” wika ni Bishop Santos.

Dagdag pa ng obispo, “The Church is called to be a moral compass—not only through preaching, but through example.”

Kaya’t panawagan ng obispo, dapat muling pagtibayin ng Simbahan ang misyon nitong maging gabay sa moralidad hindi lang sa salita kundi sa gawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 13,795 total reads

 13,795 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 48,547 total reads

 48,547 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 85,029 total reads

 85,029 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 103,241 total reads

 103,241 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 186,852 total reads

 186,852 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top