Huwag magpaalipin sa teknolohiya, paalala ng Santo Papa sa mga Kabataan at mag-aaral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 68,447 total reads

Muling pinaalalahanan ni Pope Leo XIV ang mga kabataan at mga mag-aaral na huwag maging alipin ng teknolohiya.

Sa Jubilee of the World of Education sa Vatican, sinabi ng Santo Papa na dapat gamitin ng kabataan ang teknolohiya sa tama, at hindi hayaang ito ang magdikta ng kanilang buhay.

Sa pagtitipon ng mga mag-aaral sa Paul VI Audience Hall, binigyang-diin ni Pope Leo XIV na ang teknolohiya ay dapat maging kasangkapan sa kabutihan, hindi kapalit ng tunay na ugnayan at pagninilay.

Ayon sa Santo Papa “We must learn to humanize the digital, building it as a space of fraternity and creativity – not a case where you lock yourselves in, not an addiction or an escape.”

Paalala ng pinunong pastol, sa sobrang paggamit ng cellphone at social media, maraming kabataan ang nawawala sa direksyon at nakakalimot sa tunay na layunin ng buhay.

“To live without faith…is not living but simply getting along. To the heights. Have the courage to live life to the fullest,” bahagi ng mensahe ni Pope Leo XIV sa mga Kabataan.

Ayon sa Santo Papa, huwag hayaang gamitin ng teknolohiya ang tao, sa halip ay gamitin ito para magtulungan, magbahagi ng kabutihan, at magpalaganap ng kapayapaan.

Paalala ng Santo Papa, mas mahalaga pa rin ang pakikipagkapwa at pagninilay kaysa sa virtual world.

Nagpaalala si Pope Leo sa kabataan na huwag maging labis na umaasa sa makabagong teknolohiya tulad ng cellphone, computer, at artificial intelligence.

Ayon sa Santo Papa dapat itong gamitin nang may kabutihan at malasakit, at huwag hayaang ito ang maging sentro ng buhay o maging dahilan ng paglayo sa pananampalataya at pakikisalamuha sa kapwa.

Idinagdag pa niya na kailangang magkaroon ng balanse sa paggamit ng teknolohiya, sa pamamagitan ng katahimikan, pakikinig, at panalangin—upang mapanatili ang malalim na ugnayan sa Diyos at sa kapwa-tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 7,600 total reads

 7,600 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 42,784 total reads

 42,784 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 79,268 total reads

 79,268 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 97,479 total reads

 97,479 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 181,404 total reads

 181,404 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top