Mga simbahan sa Archdiocese of Cebu, binuksan para sa maapektuhan ng bagyong Tino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,323 total reads

Inatasan ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang lahat ng pari sa Archdiocese of Cebu na buksan ang mga simbahan bilang pansamantalang kanlungan para sa mga mamamayang posibleng maapektuhan ng binabantayang Bagyong Tino.

Ayon kay Archbishop Uy, ito’y bilang tugon sa inaasahang epekto ng malakas na ulan at hangin na dala ng bagyo sa rehiyon.

Gayunman, nilinaw ng arsobispo na hindi kasama sa utos ang mga simbahan na napinsala ng malakas na lindol noong September 30, 2025, upang matiyak ang kaligtasan ng lahat laban sa anumang panganib.

“As Archbishop of Cebu, I have directed all priests to open the churches within the archdiocese as shelters for those seeking refuge during the storm. However, this does not include churches that were damaged by the recent earthquake,” ayon kay Archbishop Uy.

Hinimok din ni Archbishop Uy ang mga mananampalataya na patuloy na manalangin para sa kaligtasan ng lahat at nawa’y hindi na magdulot ng mas matinding pinsala ang bagyo.

Tiniyak din ng Archdiocese of Cebu ang pakikipag-ugnayan sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan at mga volunteer group sa mga paghahanda para sa kalamidad.

“Please stay safe and keep everyone in your prayers,” saad ni Archbishop Uy.

Batay sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng Bagyo sa silangan-timog-silangan ng Guiuan, Easter Samar, taglay ang lakas ng hangin na 120 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 km/h, habang kumikilos patungong kanluran-timog-kanluran sa bilis na 25 km/h.

Isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang gitnang bahagi ng Cebu at Cebu City, habang Signal No. 2 naman sa nalalabing bahagi ng lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 48,060 total reads

 48,060 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,796 total reads

 127,796 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 161,243 total reads

 161,243 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,541 total reads

 196,541 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 421,215 total reads

 421,215 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,844 total reads

 156,844 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top