Huwag nating pabayaan ang kapwang nangangailangan, panawagan ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,587 total reads

Ipinaalala ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang kahalagahan ng pagtulong sa mga pinakamahihirap.

Ito ang paanyaya ni Bishop Pabillo sa paggunita ng simbahan ng World Day of the Poor sa November 16.

Ayon sa Obispo, ang pagtulong sa mga mahihirap ay kawangis ng pagtanggap sa Panginoong Hesukristo sa puso at tahanan ng bawat mananampalataya upang maging habag at daluyan ng pagmamahal ng Diyos.

“Alam niyo po ang November, yan din ang katapusan ng liturgical year, yan po yung Christ the King natin at matatanggap po natin si Hesus bilang Hari natin kung tinatanggap po natin ang mga papuri po niya, at yan po yung mga mahihirap kaya the Sunday before Christ the King is World Day of the Poor, Kaya po sa November 16, yan po ang World Day of Poor pinapaalala po satin na ang pagtanggap po natin sa mga mahihirap-si Hesus ang tinatanggap natin, na huwag natin silang pabayaan sa ating buhay,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Hinimok ng Obispo ang mga Pilipino na patuloy na pagsusulong ng mga programa o inisyatibong nakatuon sa pagpapabuti ng kanilang buhay upang makaahon sa kinalugmukang kahirapan.

“Yan din po yung paksa ng liham nang ating Santo Papa na pagpahalagahan ang mga mahihirap sa ating buhay, sila po ay ginagamit ng Diyos upang mapalaala sa atin ang kaniyang prisensya dito sa mundo, kaya kapag tinatanggap at totoong tumutulong tayo sa mga mahihirap, kay Hesus po tayo tumatanggap at siya rin ang ating pinaglilingkuran,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Itinalaga ngayong 2025 ang pagdiriwang ng ika-siyam na World Day of the Poor sa temang ‘You Are My Hope’ na paalala na hindi lamang charity ang simbolo ng mga mahihirap, sila ay tanda ng pagbangon mula sa kinalugmukang sitwasyon at katatagan laban sa anumang hamon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 3,713 total reads

 3,713 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 41,094 total reads

 41,094 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 72,365 total reads

 72,365 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 149,658 total reads

 149,658 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 243,694 total reads

 243,694 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top