Kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Tino, panalangin ng Diocese of Dumaguete

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,448 total views

Naghandog ng panalangin ang Diyosesis ng Dumaguete para sa kaligtasan ng mga mamamayan sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Tino at iba pang kalamidad.

Sa panalangin, hiniling ng diyosesis sa Panginoon ang Kaniyang pag-iingat at pagkalinga sa lahat mula sa panganib, gayundin ang pagkakaloob ng lakas, tapang, at karunungan upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat pamilya, alagang hayop, at pamayanan.

Binigyang-diin din ng simbahan ang panawagan na magkaisa sa pagtulong sa mga nangangailangan at magtiwala sa pag-ibig at pangangalaga ng Diyos sa gitna ng unos.

Dumulog din ang simbahan sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria upang patuloy na ipanalangin at ipag-adya ang lahat laban sa anumang kapahamakan.

(Filipino Translation)
PANALANGIN LABAN SA PINSALANG DULOT NG BAGYONG TINO AT IBA PANG KALAMIDAD

Diyos naming Ama, ang lahat ng elemento ng kalikasan ay sumusunod sa iyong kalooban.
Dumudulog kami sa Iyo—iligtas Mo kami sa pinsalang dulot ng Bagyong Tino.
Pagkalooban Mo kami ng lakas, tapang, at karunungan upang magawa namin ang tama sa pagprotekta sa aming sarili, aming pamilya, mga alagang hayop, at mga anak.

Iligtas Mo kami sa bagyo, lindol, at iba pang sakuna.
Ang hamong ito na aming kinakaharap ay nagpapaalala ng kapangyarihan ng Iyong nilikha.
Nawa’y patuloy naming pangalagaan ang lahat ng nilalang at huwag itong abusuhin, sapagkat lahat ng ito ay nagmula sa Iyo, O Diyos, para sa aming kabutihan.

Panginoon, ingatan Mo ang lahat ng Iyong anak sa Diyosesis ng Dumaguete
at sa mga karatig-lugar mula sa anumang panganib.
Pagkalooban Mo kami ng mabuting panahon upang magpatuloy kami sa ilalim ng Iyong paglingap at pagkalinga.
Bigyan Mo rin kami ng dagdag na lakas ng loob at kabutihang-loob upang makatulong sa mga nangangailangan sa panahong ito. Ito ay hinihiling namin sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Amen.

Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo, kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman, at magpasawalang-hanggan. Amen.

Mahal naming Ina, Birheng Maria, nananawagan kami sa iyong mapagmalasakit na tulong at patnubay.
Iadya Mo kami sa lahat ng kapahamakan at panganib sa pamamagitan ng iyong pamamagitan, sapagkat Ikaw ang aming Ina. Amen.

(Cebuano Translation)
PAG-AMPO BATOK SA KADAUT SA BAGYONG TINO UG UBAN PANG KATALAGMAN

Dios nga Amahan, ang tanang elemento sa kinaiyahan nagyukbo kanimo ug nagsunod sa imong mando.
Nangamuyo kami, panalipdi kami sa kadaut gikan sa bagyo nga Tino.
Hatagi kami sa kapiskay, kalig-on, ug maayong panghunahuna nga among buhaton ang angay aron pagpanalipod sa among kaugalingon, sa among mga kaanakan, mga kahayupan, ug mga kabtangan.

Panalipdi kami gikan sa bagyo, linog, ug sa bisan unsang katalagman.
Kining hagit nga among giatubang karon, makapahinumdum unta kanamo sa gahum sa kinaiyahan nga angay namong panalipdan ug alimahan, ug dili panamastamasan, kay kini gikan Kanimo O Dios, ug alang sa among kaayohan.

Ginoo, panalipdi ang tanan nimong mga anak sa Diyosesis sa Dumaguete
ug silingang mga dapit gikan sa bisan unsang kadaut.
Hatagi kami pagbalik sa maayong panahon, Ginoo, aron kami magdayeg sa imong panalipod ug kamanggihatagon.
Hatagi kami sa dugang kalig-on nga magmanggihatagon usab ngadto sa mga nagkinahanglan niining panahona.
Kini among gipangayo pinaagi ni Jesukristo, among Ginoo!

Himaya sa Amahan, sa Anak, ug sa Espiritu Santo! Maingon sa sinugdan, karon ug sa gihapon ug sa katuigan nga tanan. Amen.

Mahal nga Inahan, Birhen Maria, nangamuyo kami sa imong bilihong panabang nga ang manto sa imong proteksiyon ug panalangin manalipod kanamo sa tanang katalagman, kay Ikaw – inahan namong tanan. Amen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 70,748 total views

 70,748 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 88,648 total views

 88,648 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 135,214 total views

 135,214 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 122,476 total views

 122,476 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 138,638 total views

 138,638 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top