Obispo ng Ilagan, itinalagang arsobispo ng Nueva Segovia ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,054 total reads

Itinalaga ni Pope Leo XIV si Ilagan Bishop David William Antonio bilang bagong Arsobispo ng Archdiocese of Nueva Segovia sa Ilocos Sur.

Ipinahayag ng Vatican ang naturang pagtatalaga matapos tanggapin ng Santo Papa ang pagretiro ni Archbishop Marlo Peralta, na umabot na sa mandatory retirement age na 75.

Si Archbishop-designate Antonio, na tubong Nagtupacan, Sto. Domingo, Ilocos Sur, ay ipinanganak noong December 29, 1963.
Nagtapos ng philosophy sa San Pablo Seminary sa Baguio City at theology naman sa Immaculate Conception School of Theology sa Vigan City.

Kalaunan ay nagkamit ng Doctorate in Theology sa Catholic University of America sa Washington, D.C.

Naordinahang pari ng Archdiocese of Nueva Segovia noong December 1, 1988. Naging professor siya ng Immaculate Conception School of Theology at dean of studies ng seminaryo mula 1993 hanggang maitalaga bilang rector.

Noong 2005, nagsilbi rin siyang Kura Paroko ng Saint Lucy Parish sa Ilocos Sur at naging vicar general ng arkidiyosesis.
Itinalaga naman siya ni Pope Benedict XVI bilang Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Nueva Segovia noong June 15, 2011, at ginawaran ng episcopal ordination noong August 26 ng parehong taon.

Noong March 2018, hinirang siya bilang Apostolic Administrator ng Apostolic Vicariate of San Jose sa Mindoro, at kalaunan ay naging Obispo ng Diocese of Ilagan noong November 2018, kung saan siya pormal na iniluklok noong February 2019.

Bilang bagong arsobispo, ipapastol ni Archbishop-designate Antonio ang mahigit kalahating milyong Katoliko ng arkidiyosesis, katuwang ang higit 80 mga pari.

Ang Archdiocese of Nueva Segovia, isa sa mga pinakamatandang arkidiyosesis sa bansa, ay may mahalagang papel sa kasaysayan ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 87,657 total reads

 87,657 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 181,687 total reads

 181,687 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 225,955 total reads

 225,955 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 249,064 total reads

 249,064 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 320,256 total reads

 320,256 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top