12 katao, nasawi sa hagupit ng bagyong Tino sa Canlaon City

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,974 total reads

Nagpapatuloy ang isinasagawang monitoring at assessment ng Social Action Center (SAC) ng Diocese of San Carlos matapos ang matinding pinsalang iniwan ng bagyong Tino sa Negros Occidental, lalo na sa Canlaon City.

Ayon kay Fr. Ricky Beboso, SAC Director ng diyosesis, hindi inaasahan ng mga residente ang biglaang pagbaha sa lungsod dahil matatagpuan ito sa mataas na bahagi ng lalawigan.

“Their National roads are now considered river. Unexpected flash flood happened [last Tuesday] because Canlaon [City] is an uphill city. Flooding is never expected in this city,” ayon kay Fr. Beboso

Sa inisyal na ulat ng diyosesis, 12 katao ang kumpirmadong nasawi at 14 pa ang nawawala sa Canlaon City dahil sa biglaang pagragasa ng tubig.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng simbahan sa mga lokal na kinauukulan at relief agencies upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga biktima.

Nanawagan si Fr. Beboso ng sama-samang panalangin at pagkilos para sa mga apektado, at tiniyak ng Diocese of San Carlos ang kanilang patuloy na presensya at pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Batay naman sa ulat ng Provincial Government of Negros Occidental, mahigit 134,000 indibidwal o 39,000 pamilya mula sa 29 bayan at lungsod ang labis na naapektuhan ng Bagyong Tino.

Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 114 ang kumpirmadong nasawi, 82 ang sugatan, at 127 ang nawawala mula sa mga lalawigan ng Antique, Capiz, Iloilo, Bohol, Cebu, Leyte, Southern Leyte, Negros Occidental, Negros Oriental, at Agusan del Sur.

Inaasahan pang madaragdagan ang bilang ng mga nasawi at nawawala habang nagpapatuloy ang search and rescue operations sa mga lugar na labis na sinalanta ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 28,397 total reads

 28,397 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 65,354 total reads

 65,354 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 83,565 total reads

 83,565 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 167,893 total reads

 167,893 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 203,971 total reads

 203,971 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,759 total reads

 80,759 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top