Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Let us help one another, panawagan ng CBCP sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,098 total views

Nanawagan ang humanitarian at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa sambayanang Pilipino na magkaisa sa pananampalataya, pagkakawanggawa, at pagkilos, habang hinaharap ang mga pagsubok dulot ng pananalasa ng bagyong Tino at ng isa pang sama ng panahong papalapit sa bansa.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines, ang kahandaan at malasakit ng bawat isa ang tunay na sukatan ng pagkatao bilang isang sambayanan.

“Let us help one another—volunteer, share what we can, and pray for those affected,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Hinimok ng Caritas Philippines ang mga parokya, diocesan social action centers, civil society organizations, at mga volunteer na magtulungan sa pagbabahagi ng agarang tulong at serbisyong pangkomunidad sa mga nasalanta.

Tiniyak din ng humanitarian arm ng simbahan ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na simbahan at organisasyon upang maghatid ng tulong sa mga pamilyang nawalan ng tirahan, kabuhayan, at kapanatagan.

Kasabay nito, umapela si Bishop Bagaforo sa mga civil society at people’s organizations na magkaisa sa paghahatid ng relief operations bilang pagpapakita ng diwa ng bayanihan at solidarity

“When we stand together—when we pray, give, and serve together—we become instruments of God’s mercy. Gold is tested by fire, and our faith is refined through trials. May this be a time of renewed commitment to love and service,” saad ni Bishop Bagaforo.

Nanawagan din ang Caritas Philippines ng patuloy na pananalangin para sa kaligtasan at katatagan ng mga apektado ng kalamidad, at maghatid ng suporta sa pamamagitan ng donasyon, volunteer work, o mga gawaing pangkomunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 18,146 total views

 18,146 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 85,634 total views

 85,634 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 106,699 total views

 106,699 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 129,307 total views

 129,307 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 165,697 total views

 165,697 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top