Mananampalataya, hinimok na maging sambayanang nanalanagin at nagbibigay buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,140 total views

Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na ang mga simbahan ay tanda ng pakikiisa at pakikilakbay ng Diyos kasama ang Kanyang bayan.

Ito ang naging mensahe ng arsobispo sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan ng Laterano (Feast of the Dedication of the Lateran Basilica) sa Roma noong Nobyembre 9.

Ayon kay Archbishop Uy, bawat bahay-dalanginan ay nagsisilbing kanlungan ng mga tao kung saan natatagpuan ang kapayapaan ng puso sa piling ng Panginoon.

“Whenever we enter a church, whether it’s a big cathedral or a small chapel, we are stepping into a space where heaven and earth meet, where God welcomes us home,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Uy.

Binigyang-diin ng arsobispo na bagaman mahalagang panatilihing malinis at maayos ang mga simbahan, higit na dapat ding pagtuunan ng pansin ng bawat isa ang paglilinis ng puso mula sa galit, kayabangan, kasakiman, at inggit, sapagkat ang puso ng tao ang tunay na templong pinanahanan ng Diyos.

“Each one of us is God’s temple. Our hearts are where God wants to live. The Church is not just made of stone or cement, it is made of people filled with faith,” dagdag pa ng arsobispo.

Hinikayat din ni Archbishop Uy ang mga mananampalataya na maging simbahang buhay o isang sambayanang nananalangin, naglilinis, at nagbibigay-buhay lalo na sa mga nangangailangan.

“Let’s be a Church that prays, purifies, and gives life,” panawagan ng arsobispo.

Ipinagdiriwang taun-taon tuwing Nobyembre 9 ang Kapistahan ng Pagtatalaga ng Lateran Basilica, hindi lamang upang gunitain ang isang makasaysayang gusali, kundi upang ipahayag na ang bawat simbahan ay tanda ng buhay na presensiya ng Diyos sa Kanyang bayan.

Ang Lateran Basilica sa Roma ang pinakamatandang simbahan at ang katedral ng Santo Papa bilang Obispo ng Roma. Ito rin ay kinikilala bilang “Mother Church of all churches in the world.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 39,890 total views

 39,889 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 64,206 total views

 64,205 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 99,996 total views

 99,995 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 140,947 total views

 140,946 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 191,489 total views

 191,488 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top