Pananagutan at pag-asa sa gitna ng pananalasa ng bagyo, panawagan ni Bishop Mangalinao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,600 total reads

Nanawagan ng pagkakaisa, pananagutan, at panibagong pag-asa si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao matapos ang matinding pinsalang idinulot ng Super Typhoon Uwan sa Nueva Vizcaya at Quirino.

Ayon kay Bishop Mangalinao, kabilang ang Bayombong sa mga lugar na dinaanan ng mata ng bagyo na tumagal nang halos pitong oras ang malalakas na hangin at ulan.

“We are at the pathway of the eye of the storm! We endured hours of strong winds and rain beginning at 7 p.m. that lasted almost 2 a.m. here in Bayombong,” ayon kay Bishop Mangalinao sa panayam ng Radyo Veritas.

Ibinahagi ng obispo na nasira ang bubong ng kanilang gymnasium, nabunot ang ilang puno, nagkalat ang mga debris sa paligid, at may ulat din ng bahagyang pinsala sa mga parochial schools sa diyosesis.

Gayunman, labis ang pasasalamat ni Bishop Mangalinao na walang matinding pagbaha sa mga bayan at pamayanan sa lalawigan, ngunit nagbabala rin sa posibilidad ng pagguho ng lupa sa mga parokyang nasa kabundukan.

“Salamat sa Diyos, buhay pa na puno ng pag-asa na makababangon muli,” saad ni Bishop Mangalinao.

Kasabay nito, dalangin ng obispo na mapanagot ang mga sangkot sa katiwalian na aniya’y ugat ng pagkasira ng kalikasan at dahilan ng paulit-ulit na pagbaha.

“Dasal ko na sama-samang makulong ang lahat ng sangkot sa korapsyon na siya ring dahilan kung bakit nasisira ang kabundukan at nagkakaroon ng malalang pagbaha,” giit ng obispo.

Patuloy ang pagtutok ng Diocese of Bayombong sa kalagayan ng mga parokya at mamamayan, habang inihahanda ang mga hakbang para sa pagtulong at rehabilitasyon sa mga apektadong lugar.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Uwan ngayong gabi o bukas ng madaling-araw at posibleng muling pumasok sa Miyerkules ng gabi habang tumatama sa timog-kanlurang bahagi ng Taiwan, na inaasahang magdudulot ng karagdagang paghina nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 85,526 total reads

 85,526 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 179,598 total reads

 179,598 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 223,866 total reads

 223,866 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 246,975 total reads

 246,975 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 318,260 total reads

 318,260 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,997 total reads

 146,997 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top