Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Rapid assessement, isinagawa ng Caritas Philippines at Caritas Germany sa Cebu

SHARE THE TRUTH

 3,996 total views

Magkakatuwang na nagsagawa ng inisyal na pakikipag-ugnayan at rapid assessment ang Caritas Philippines, Cebu Caritas Inc. at Caritas Germany matapos ang pananalasa ng Bagyong Tino sa lalawigan ng Cebu.

Isinagawa ang pagsusuri sa mga lungsod at mga bayan na labis na naapektuhan ng bagyo sa lalawigan.

Ayon sa inisyal na ulat matindi ang pinsalang idinulot ng Bagyong Tino lalo na sa mga komunidad na hindi nakapaghanda sa naganap na biglaang pagtaas ng tubig-baha.

“The national team of Caritas Philippines together with Cebu Caritas Inc. and Caritas Germany conducted an initial coordination and assessment following the impact of Typhoon Tino in the most affected municipalities and cities in Cebu. The devastation was overwhelming, as most residents were unprepared on the rapid rise of floodwaters.” Bahagi ng pahayag ng Caritas Philippines.

Batay sa inisyal na pagsusuri, libu-libong kabahayan sa tabi ng mga ilog at baybaying dagat ang nasira, kung saan naranasan din maging sa mga private subdivisions ang matinding pagbaha dahilan upang maraming mga pamilya ang umakyat sa bubong para maging ligtas mula sa malakas pagragasa ng tubig baha.

Sa kasalukuyan isinasagawa ng mga lokal na awtoridad at mga residente ang clearing at cleaning operations, gayundin ang search and retrieval efforts sa mga lugar na lubhang nasalanta ng Bagyong Tino.

“Thousands of houses along rivers and coastal areas were destroyed. Even houses in private subdivisions experienced massive flooding, forcing hundreds of families to climb onto rooftops. Clearing and cleaning operations, as well as search and retrieval efforts, are currently ongoing.” Dagdag pa ng Caritas Philippines.

Nanawagan naman ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga mananampalataya at mga katuwang na institusyon na ipagpatuloy ang pagbabahagi ng tulong at pagdarasal para sa mga naapektuhan ng bagyo.

Ayon sa inisyal na pagsusuri kabilang sa mga agarang pangangailangan ng mga pamilyang apektado ng Bagyong Tino ang malinis na tubig para sa pag-inom at paglilinis; pagkain at food packs; pangunahing gamit sa bahay; sleeping kits; pansamantalang materyales para sa pagsasaayos ng tirahan; solar lights; lalagyan ng tubig; sanitation at hygiene kits; at maging mga gamot.

Umaasa naman ang Caritas Philippines na sa gitna ng matinding pagsubok na kinahaharap ng mamamayan mula sa mga nakalipas na kalamidad ay manatiling manaig ang pagkakaisa at malasakit ng bawat isa sa pamamagitan ng ating sama-samang pagkilos at pagkakawanggawa upang maibabalik ang pag-asa sa mga pamilyang nawalan ng tahanan at kabuhayan.

“Let us continue to extend our solidarity and compassion to the families affected by Typhoon Tino. Together, through our collective efforts and generosity, we can help them rebuild their homes and bring hope in the midst of devastation.” Ayon pa sa Caritas Philippines.

Batay sa tala ng PAGASA Weather Forecasting Center ang Bagyong Tino ang ika-20 bagyong naitala ngayong taon na nagdulot ng matinding pagbaha at mga pagkasira sa Visayas region partikular na sa Cebu.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Silipin din ang DENR

 10,097 total views

 10,097 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 56,627 total views

 56,627 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 94,108 total views

 94,108 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 126,030 total views

 126,030 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 170,742 total views

 170,742 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 13,344 total views

 13,344 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 62,853 total views

 62,853 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 40,440 total views

 40,440 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 47,379 total views

 47,379 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »
Scroll to Top