Archdiocese of Lingayen-Dagupan, nagpapasalamat matapos i-adya sa malalang epekto ng bagyong Uwan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,443 total reads

Nagpahayag ng pasasalamat ang social arm ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan matapos maranasan ang matinding pagbaha dulot ng Bagyong Uwan.

Ayon kay Caritas Lingayen-Dagupan Executive Director, Ms. Janice Hebron, halos lahat ng barangay sa Dagupan City, Pangasinan, at sa mga baybaying bayan na saklaw ng arkidiyosesis ay lumubog sa baha na umabot hanggang dibdib dahil sa storm surge at high tide.

“Salamat sa Diyos, we survived Uwan. Mabilis namang bumaba ang tubig-baha nang humupa na rin ang hangin,” ayon kay Hebron.

Ibinahagi rin ni Hebron na may ilang lugar pa rin ang walang kuryente at mahina ang signal ng internet.

Dagdag pa niya, malaki ang naitulong ng mga pasilidad ng mga parokya at ng Archdiocesan Formation Center sa Dagupan City na nagsilbing evacuation center para sa mga residenteng nagsilikas dahil sa bagyo.

Sa kasalukuyan, karamihan ng evacuees ay nakabalik na sa kanilang mga tahanan.

“We housed evacuees at the Archdiocesan Formation Center in Dagupan City. The Parishes in the different Catchment-Municipalities of the Archdiocese were also used as Evacuation Centers. Most of the evacuees are now back in their respective homes,” ayon kay Hebron.

Tiniyak naman ng Caritas Lingayen-Dagupan ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at mga parokya upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.

Batay sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Uwan, ngunit posibleng muling pumasok sa Miyerkules ng gabi habang tumatama sa timog-kanlurang bahagi ng Taiwan, na magdudulot ng karagdagang paghina nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,894 total reads

 43,894 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,868 total reads

 93,868 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,739 total reads

 141,739 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,688 total reads

 245,688 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 329,549 total reads

 329,549 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,334 total reads

 166,334 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top