Diocese of Novaliches, hinikayat ang kabataan na makiisa sa Diocesan Youth Day 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,920 total reads

Inaanyayahan ng Commission on Youth (COY) ng Diocese of Novaliches ang lahat ng kabataan na makibahagi sa Diocesan Youth Day 2025 at sa pagtatapos ng Jubilee Year of Hope for the Youth ng diyosesis.
Gaganapin ang pagtitipon sa Nobyembre 15, 2025 (Sabado) sa mga itinalagang pueblos o host parishes sa North Caloocan at sa Caloocan Sports Complex, sa temang “Tinig: Ang Tunay na Pag-asa ay Hindi Tahimik.”
Ayon kay Fr. John Harvey Bagos, Priest Coordinator ng COY Novaliches, layunin ng programa na pag-alabin ang pananampalataya, pagkakaisa, at malasakit ng mga kabataan sa lipunan.
“Sama-sama tayo bilang isang komunidad na nakikilakbay sa mga kabataan upang magdiwang, mamulat, makiisa, at higit sa lahat, maging tinig na nagbibigay pa ng lubusang pag-asa,” pahayag ni Fr. Bagos sa panayam ng Radyo Veritas.
Tinatayang 2,500 hanggang 3,000 kabataan mula sa mga parokya, campus ministries, at transparochial movements sa buong diyosesis ang inaasahang dadalo.
Tatlong Bahagi ng Programa
Ibinahagi ni Fr. Bagos na hahatiin ang pagtitipon sa tatlong yugto: Pagmulat, Pagmamartsa, at Pag-alab.
•Pagmulat (8:30–11:30 a.m.) – Gaganapin sa apat na pueblo ang mga social conferences at morning workshops hinggil sa mahahalagang isyung kinakaharap ng kabataan.
•Pueblo ng Pamamahala: Sto. Niño de Congreso Parish (paksa: Nationalism)
•Pueblo ng Paghilom: Our Lady of Guadalupe Parish (paksa: Mental Health)
•Pueblo ng Pangangalaga: Resurrection of Our Lord Parish at Sto. Niño de Bagong Silang Parish (paksa: Ecology)
“Kaya namin pinili itong mga topic na ito dahil naniniwala tayo na ito ang mga usaping dapat pagtuunan ng pansin. Bilang mga kabataan, dapat tayong maging aktibong ‘pilgrims of hope’ na tumutugon sa mga hamon ng panahon,” paliwanag ni Fr. Bagos.
•Pagmamartsa (Parade of Hope) – Susundan ito ng prayer walk mula Sto. Niño de Congreso Parish patungong Caloocan Sports Complex, tampok ang imahen ni Inang Desay (Our Lady of Untier of Knots), ang Youth Cross, at ang Jubilee Year Cross ng diyosesis. Magsusuot ang mga kabataan ng puting kasuotan bilang sagisag ng pananampalataya, pag-asa, at pagkakaisa.
•Pag-alab (Main Program at Closing Mass) – Gaganapin sa Caloocan Sports Complex, pangungunahan ni Bishop Roberto Gaa ng Diocese of Novaliches. Tampok dito ang Vocation Portion ng Commission on Vocation, pagbabahagi ng mga resulta ng workshops, Pledge of Commitment, at Praise Fest na pamumunuan ng Missionary Families for Christ (MFC), Live Pure Movement, at iba pang youth groups.
“Ang ating Diocesan Youth Day ay hindi lamang pagdiriwang kundi isang panawagan — na ang tinig ng kabataan ay dapat marinig, sapagkat ang tunay na pag-asa ay hindi kailanman tahimik,” pagtatapos ni Fr. Bagos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 84,399 total reads

 84,399 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 178,552 total reads

 178,552 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 222,820 total reads

 222,820 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 245,929 total reads

 245,929 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 317,255 total reads

 317,255 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,942 total reads

 146,942 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top