CBCP nananawagan ng katotohanan at ‘due process,’ kaugnay ng paratang ni dating Rep. Zaldy Co

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 56,616 total views

Nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na pairalin ang katotohanan, katarungan, at tamang proseso kaugnay ng mga paratang na inilabas ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Ayon kay CBCP President Cardinal Pablo Virgilio David, kung totoo at mabigat ang mga ibinintang ni Co, nararapat lamang na bumalik siya sa bansa at ihain ang kanyang reklamo sa tamang hukuman, sa ilalim ng panunumpa at may kasamang matibay na ebidensya.

“Public declarations on social media, however alarming, cannot take the place of formal testimony in the appropriate legal venues. For the good of the nation, such claims must be examined transparently, impartially, and in accordance with the rule of law,” ayon pa sa inilabas na pahayag ng CBCP.

Binibigyang-diin ng CBCP na hindi sapat ang paglalabas ng pahayag sa social media. Ang ganitong uri ng akusasyon ay dapat iharap sa mga ahensyang may kapangyarihang magsiyasat, at masusing suriin nang bukas, patas, at ayon sa batas para sa kabutihan ng bayan.

Hinikayat din ng CBCP ang lahat na mag-ingat laban sa anumang pagsasamantala sa isyung ito, lalo na kung inilalabas sa mga panahong maaaring magpasiklab ng emosyon o makaimpluwensya sa pulitika. Iginiit ng simbahan na karapatan ng publiko ang linaw, katotohanan, at pananagutan, hindi haka-haka, tsismis, o panlilinlang.

“We likewise caution against the political exploitation of these allegations, especially when released at sensitive moments that may inflame public sentiment or be used to influence political outcomes. The Filipino people deserve clarity, not conjecture; truth, not rumor; accountability, not manipulation,” ayon kay Cardinal David.

Dagdag pa ng pangulo ng CBCP, “We likewise caution against the political exploitation of these allegations, especially when released at sensitive moments that may inflame public sentiment or be used to influence political outcomes. The Filipino people deserve clarity, not conjecture; truth, not rumor; accountability, not manipulation.”

Nananawagan ang CBCP na ang bawat hakbang ng sangkot ay magsilbi sa paghahanap ng katotohanan at magpatibay ng tiwala ng mamamayan sa mga prosesong nagtatanggol sa demokrasya ng bansa.

Ang pahayag ng CBCP ay kaugnay ng video message na inilabas ni Co sa kanyang Facebook account, kung saan inihayag niya ang umano’y kinalaman nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Speaker Martin Romualdez sa P100-bilyong “insertion” sa 2025 national budget.

Si Co ay kasalukuyang nasa ibang bansa para magpagamot at inihayag niya sa video na inutusan siya ni Romualdez na manatili sa labas ng bansa para sa kanyang kaligtasan. Binanggit din niya na handa na siyang ilahad ang buong katotohanan tungkol sa kontrobersyal na budget insertions.

Kasalukuyan namang pinag-aaralan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang mga alegasyon ni Co laban kay Marcos at iba pang opisyal ng pamahalaan. Samantala, nanawagan ang ilang mambabatas kay Co na bumalik sa bansa at magsalaysay sa ‘under oath’ upang makipagtulungan sa imbestigasyon at ilahad ang buong detalye ng kontrobersiya sa P100-bilyong proyekto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 17,814 total views

 17,814 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 68,498 total views

 68,498 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 74,627 total views

 74,627 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 104,130 total views

 104,130 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 122,043 total views

 122,043 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top