Dambana sa Ermita, pinalakas ang paglilingkod para sa mahihirap sa ‘World Day of the Poor’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 70,670 total reads

Pinangunahan ng San Vicente de Paul Parish–Archdiocesan Shrine of Our Lady of the Miraculous Medal sa Ermita, Maynila ang pinalawak na serbisyo para sa mahihirap kasabay ng pagdiriwang ng ika-siyam na World Day of the Poor.

Binigyan diin ni Fr. Joel Rescober, Rector at Parish Priest ng San Vicente de Paul Parish – Archdiocesan Shrine of Our Lady of the Miraculous Medal, ang patuloy na pangunguna ng Dambana sa mga gawaing nagiging daluyan ng pagmamahal at habag ng Panginoon para sa pinakamahihirap sa lipunan.

Ang mensahe ay kaugnay sa paggunita ng ika-siyam na World Day of the Poor, na may temang You Are My Hope, kung saan muling isinagawa ng Dambana ang Integrated Feeding Program at gift-giving para sa mga mahihirap at street dwellers sa Ermita, Maynila.

Ayon kay Fr. Rescober, nagiging posible ang mga proyektong ito sa tulong ng Diyos, na nagpapakilos ng kabutihan sa puso ng mga donors at benefactors.

Hinihikayat ng pari ang mananampalataya na tularan ang halimbawa nina Our Lady of the Miraculous Medal at Saint Vincent de Paul, upang mas makita ang mukha ni Kristo sa mga mahihirap.

Binigyang-diin ng pari na tulad ng turo ni Saint Vincent de Paul, ang paglapit sa mahihirap ay paglapit din sa Diyos.

“Kung nakikita natin ang Diyos sa kanila, sa kabila ng kanilang kahirapan at kakulangan, mas nagiging malalim ang ating motibasyon na magmalasakit at tumulong,” pahayag niya sa isang panayam ng Radyo Veritas.

Samantala, tiniyak ni Ruth Seva, Basic Ecclesial Community (BEC) Coordinator ng Dambana, ang tuloy-tuloy na serbisyo para sa mga nangangailangan.

Nitong Nobyembre 15, umabot sa 300 beneficiaries ang nabigyan ng pagkain, hygiene kits, at damit sa isinagawang integrated nutrition program.

Bukod dito, nananatiling aktibo ang regular feeding program ng Dambana na dalawang hanggang tatlong beses kada linggo, na nakikinabang ang humigit-kumulang 200 mahihirap at street dwellers.

Nanawagan si Seva sa mga may mabubuting puso na ipagpatuloy ang kanilang tulong.

“Umaasa sila sa pakain ng simbahan, kaya taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta at nawa’y ipagpatuloy ninyo ang pagtulong,” ayon pa sa panayam.

Ang pagdiriwang ngayong taon ng World Day of the Poor, na itinalaga ng Vatican, ay muling nagpaalala sa misyon ng Simbahan—ang maging pag-asa ng mga pinakaaba at pinakadukha sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 41,658 total reads

 41,658 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 121,649 total reads

 121,649 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 155,096 total reads

 155,096 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 190,395 total reads

 190,395 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 415,345 total reads

 415,345 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top