Bayombong Bishop Mangalinao, nanawagan ng malawakang pagkilos kontra pagmimina sa Nueva Vizcaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,318 total reads

Nanawagan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ng mas matatag na pagkilos laban sa mapaminsalang pagmimina at sa pangangalaga ng kabundukan at watershed ng Nueva Vizcaya.

Sa pahayag matapos ang pagpupulong ng Religious and Civic Leaders Against Mining noong November 17, 2025, binigyang-diin ng obispo na ang banta ng pagmimina sa lalawigan ay hindi lamang lokal na usapin, kundi panganib na maaaring makaapekto sa buong Cagayan Valley Region.

Ayon kay Bishop Mangalinao, ang kabundukan at kagubatan ng lalawigan ang pinagmumulan ng tubig ng Magat at Cagayan River systems na bumubuhay sa mga sakahan at pamayanan sa Isabela, Quirino, at Cagayan.

“If our watersheds are destabilized, if our rivers are poisoned, or if our mountains are stripped bare, the harm will ripple downstream, affecting our sister provinces in ways both immediate and lasting,” pahayag ni Bishop Mangalinao.

Bilang konkretong hakbang, hinimok ng obispo ang bawat bayan at sektor na lumahok sa sabayang Human Chain sa November 30 bilang pakikiisa sa Trillion Peso March, na naglalayong ipakita ang pagkakaisa at tapang ng mga mamamayan, tulad ng barikada ng mga taga-Dupax del Norte, na araw-araw na nagtatanggol sa lupaing ninuno laban sa pagmimina.

Nanawagan si Bishop Mangalinao na magsuot ng puti ang lahat at isagawa ang pagkilos mula alas-2 hanggang alas-4 ng hapon sa mga pampublikong lugar, tulad ng harap ng simbahan, paaralan, o munisipyo.

Umaasa ang obispo na mapapansin at mapapakinggan ng mga lider sa iba’t ibang antas ang sabayang pagkilos, at hinimok ang mga pinuno ng mga pamayanan na anyayahan ang mga nasasakupan na makiisa bilang patunay ng malasakit at pagmamahal sa lalawigan.

“When we, as Novo Vizcayanos, stand together—simultaneously, visibly, and resolutely—across the province, our collective voice will be harder to ignore… United as children of Nueva Vizcaya, let us act out of shared love and responsibility for this beautiful land we call home,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Para sa karagdagang detalye, maaaring makipag-ugnayan kay Fr. Crispin Costales, Social Action Director ng diyosesis sa mga numerong 0917-163-3829.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 42,169 total reads

 42,169 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 127,533 total reads

 127,533 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 174,270 total reads

 174,270 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 222,142 total reads

 222,142 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 324,156 total reads

 324,156 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,302 total reads

 169,302 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top