Pamumunong naghari-harian, pinuna ni Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,590 total views

Binigyang-diin ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, na ang tunay na diwa ng Kapistahan ng Kristong Hari ay hindi pamumunong naghahari-harian, kundi pamumunong naglilingkod na dapat tularan sa lipunan at pamahalaan.

Sa kanyang mensahe sa Festival of Voices na isinagawa sa National Shrine of Mary, Queen of Peace o EDSA Shrine, bilang bahagi ng ika-100 taong pagdiriwang ng Kapistahan ng Kristong Hari, sinabi ng kardinal na ang pagiging Hari ni Kristo ay nakaugat sa pagpapastol at hindi sa kapangyarihan.

“Ito’y pagkalinga, hindi pananamantala sa maliliit. Ito’y pagpapagaling, hindi pananakit. Ito’y paghahanap sa mga naliligaw ng landas, hindi pagtataboy. Ito’y pagbubuklod, hindi pagkakahati-hati. Ito’y paglilingkod, hindi pangalipin,” pahayag ni Cardinal David.

Ayon kay Cardinal David, patuloy na sumisibol ang iba’t ibang anyo ng people power, patunay na buhay ang malasakit ng mamamayan; at sa gitna ng lumalalang katiwalian, ang mga tao mismo ang nagiging “antibodies” na nagpapalakas sa resistensya ng bansa laban sa korupsyon.

Iginiit ng kardinal, mahalaga ang pagbabayani­han upang maibangon muli ang mga demokratikong institusyong winasak ng kultura ng katiwalian, at hindi na rin sapat ang pananampalatayang nananatili lamang sa altar sapagkat ang simbahan ay lumalabas na ngayon sa kalsada.

Mariin ding tinuligsa ni Cardinal David ang mga lider na mapagsamantala at nagnanakaw sa kaban ng bayan na dapat sana’y para sa mga proyektong tunay na naglilingkod sa publiko,

Aniya, kailanman ay hindi dapat maging normal ang katiwalian at na ang transparency, public trust, responsableng pamumuno, at aktibong pakikilahok ng mamamayan ang susi upang mapanatiling buhay ang demokrasya at masugpo ang kasinungalingan.

Sinabi pa ng kardinal na walang sinuman ang likas na masamang tao kahit pa may nagawang pagkakamali, kaya’t hinimok niya ang mga opisyal at indibidwal na magpakatotoo, umamin, magsisi, at harapin ang pananagutan upang makamit ang pagkakasundo at kapayapaan ng bayan.

“Nananawagan ako sa natitirang kabutihan sa inyong kooban, magkusang loob na. Aminin ang dapat aminin. Pagsisihan ang dapat pagsisihan. Pagbayaran ang dapat pagbayaran, magkaroon tayo ng pagkakasundo at kapayapaan sa ating bayan,” saad ni Cardinal David.

Nakatakda naman sa November 30, 2025 ang ikalawang Trillion Peso March sa EDSA bilang pagpapatuloy ng panawagan para sa katapatan at kapayapaan, pangungunahan ng CBCP–Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, at Caritas Philippines, katuwang ang iba’t ibang civil society groups.

Dalangin ni Cardinal David na manaig sa bansa ang pag-ibig, katotohanan, katarungan, liwanag, at ang paghahari ni Kristo sa puso ng bawat Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 22,047 total views

 22,047 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 45,199 total views

 45,199 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 115,313 total views

 115,313 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 189,927 total views

 189,927 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 268,422 total views

 268,422 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top