Mananampalataya, hinimok ng Santo Papa na labanan ang “negative fatalism”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,192 total reads

Nagbabala si Pope Leo XIV sa lumalalang “kawalan ng pagtitiwala sa buhay” sa gitna ng iba’t ibang suliraning kinahaharap ng tao at lipunan.

Kasabay nito, hinimok ng Santo Papa ang mananampalataya na pag-ibayuhin ang pag-asa at pakikipag-ugnayan sa Panginoon.

Sa kanyang general audience sa Vatican, iginiit ng santo papa na kailangang labanan ang “negative fatalism” at muling kilalanin ang buhay bilang kaloob ng Diyos na dapat pangalagaan at pagyamanin.

“God always stays faithful to his plan of love and life, even when humanity obeys the blind instinct of violence. Without hope, life risks appearing to be a parenthesis between two eternal nights,” ayon kay Pope Leo XIV.

Binanggit ng santo papa na marami ang nakararanas ngayon ng pangamba at tinitingnan ang buhay hindi bilang biyaya, kundi bilang bagay na dapat pag-ingatan para lamang sa sariling kapakanan.

Dahil dito, hinimok ng santo papa ang mamamayan na buong tapang na ipagpatuloy ang pamumuhay sa kabila ng mga hamong panlipunan, pang-ekonomiya at pangkultural.

Tinukoy rin ni Pope Leo ang patuloy na karahasan, diskriminasyon at iba’t ibang anyo ng pagkaalipin sa mundo, at iginiit na nananatiling tapat ang Diyos sa kanyang planong maghatid ng buhay at pag-ibig sa sangkatauhan.

“Jesus constantly confirms his concern for healing the sick, restoring wounded bodies and spirits, and giving life back to the dead,” aniya.

Sa huli, tinuran ng santo papa na ang muling pagkabuhay ni Hesus ang pinagmumulan ng pag-asa sa gitna ng kaguluhan at kawalang-katiyakan.

Panawagan niya ang pagtitiyaga at muling pagtuklas sa pag-asa na handog ng Panginoon, na “patuloy na dumaraan at kasama natin hanggang wakas ng panahon.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 181,101 total reads

 181,101 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 252,145 total reads

 252,145 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 285,592 total reads

 285,592 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 320,892 total reads

 320,892 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 540,181 total reads

 540,181 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top