Malawakang kilos-protesta, isasagawa ng Diocese of Malolos sa Bonifacio day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,281 total reads

Makiisa ang Diocese of Malolos sa malawakang pagkilos laban sa lumalalang katiwalian sa bansa sa pamamagitan ng programang “Papanatag ang Sambayanan” na gaganapin sa Nobyembre 30.

Layunin nitong manawagan ng pagbabalik-loob, integridad, at pananagutan sa harap ng patuloy na sistemikong korapsyon sa pamahalaan.

“We join the call for accountability, good governance, and genuine concern for the Filipino people,” pahayag ng diyosesis.

Sa kanilang pastoral statement noong Setyembre 17, mariing kinondena ng diyosesis ang talamak na anomalya sa multibillion-peso flood control projects, kabilang ang mga programang nakaaapekto sa Bulacan na naging sentro ng imbestigasyon.

Giit ng diyosesis ang ganitong klaseng katiwalian ay isang matinding kawalang-katarungan na naglalagay sa panganib sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan.

“We strongly condemn fake and substandard infrastructure projects funded by public money yet left unbuilt or poorly executed,” anila, binigyang-diin na ang mga flood control ay hindi nakapoprotekta sa mga komunidad at sa halip ay nakapagpapalala ng pagbaha sa lalawigan.

Magsisimula ang pagtitipon sa Our Lady of Mount Carmel Parish Church (Barasoain Church) sa Malolos City sa ganap na ala-una ng hapon, na susundan ng prayer walk patungong Minor Basilica and Cathedral of the Immaculate Conception (Malolos Cathedral).

Dito isasagawa ang banal na misa sa ganap na alas-dos ng hapon sa pangunguna ni Bishop Dennis Villarojo na susundan ng isang maikling programa na magbibigay-daan sa pagbabahagi ng mga mensahe mula sa iba’t ibang sektor hinggil sa panawagan para sa pananagutan at mabuting pamamahala.

“Through this movement, we seek to transform protest into prayer and indignation into hope for national renewal,” ayon pa sa pahayag ng diyosesis.

Ang “Papanatag ang Sambayanan” ay pagpapakita rin ng pakikiisa ng diyosesis sa “Trillion Peso March,” ang malawakang kilos-protesta na inorganisa ng mga civic organizations katuwang ang Simbahang Katolika, na isasagawa sa EDSA People Power Monument sa Quezon City sa parehong araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 54,237 total reads

 54,237 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 103,522 total reads

 103,522 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 151,393 total reads

 151,393 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 255,342 total reads

 255,342 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 338,729 total reads

 338,729 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top