Kaunlaran, hindi makakamtam kung walang diyos sa buhay ng tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,779 total reads

Binigyang-diin ni Diocese of Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla na ang tunay na kaunlaran ng bansa ay hindi makakamtan kung wala ang Diyos sa buhay ng tao at lipunan.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Obispo sa tinaguriang “i-TAG 3G Prayer Gathering for Good Governance” na lokal na pagkilos ng diyosesis noong Nobyembre 29, 2025 bilang pakikiisa sa malawakang Trillion Peso March Movement laban sa katiwalian at patuloy na pag-iral ng dinastiya sa bansa.

Sa naganap na gawain ay nanindigan din si Bishop Almedilla na siya ring bagong Regional Representative ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa North Mindanao para sa tapat, makatao, at makadiyos na pamamahala sa buong bansa.

Sa kaniyang mensahe, binigyan-diin ng Obispo na ang krisis ng katiwalian sa lipunan ay hindi lamang usaping politikal, kundi isang krisis ng moralidad at pananampalataya, sapagkat hindi uunlad ang lipunan kung nananatiling nakahiwalay sa Diyos ang pamumuhay ng bawat isa at pamumuno ng mga opisyal sa iba’t ibang mga institusyon ng pamahalaan.

“If God is absent in our lives, and life as a society, there will be no true prosperity in our beloved country Philippines. What is the antidote to corruption? Let’s TAG this — life of integrity with transparency, accountability, and good governance.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Almedilla.

Hinimok din ng Obispo ang mga mananampalataya na maging aktibong tagapagtaguyod ng katotohanan at katarungan, at huwag lamang basta manood habang unti-unting sinisira ng katiwalian ang kinabukasan ng sambayanan.

Kasabay ng panalangin, nagkaroon din ng simbolikong paglalakad, pagdarasal ng Santo Rosaryo at pagbabahagi ng mga testimonya mula sa mga lokal na grupo na nagsusulong ng reporma sa pamahalaan.

Ayon sa Diocese of Butuan, mahalagang ipakita ng Simbahan na ito ay kasama ng bayan sa paghahangad ng isang lipunang makatarungan, tapat, at may malasakit sa mahihirap at naaapi.

Kaugnay nito, naniniwala si Rev. Fr. Gilbert Billena isa sa mga Pari mula sa Diyosesis ng Butuan, na mahalaga ang naging aktibong partisipasyon ng mga mananampalataya sa naganap na lokal na pagkilos sa diyosesis sapagkat bilang mga Kristiyano ay hindi maaring manahimik na lamang ang bawat isa sa gitna ng patuloy na katiwalian na nagaganap sa lipunan na mayroong direktang epekto sa buhay ng bawat mamamayan.

“As Christians, we must speak out. Corruption harms our people, and we cannot remain silent.” Pahayag ni Fr. Billena sa Radyo Veritas.

Umabot sa 6,000 ang mga nakibahagi sa lokal na pagkilos ng Diyosesis ng Butuan na dinaluhan ng mga layko, pari, relihiyoso at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor na nagtipon para sa panalangin at pagkakaisa bilang solidarity action ng diyosesis para pananalangin sa mga pinuno ng bansa; para sa paglilinis ng mga institusyon; at para sa pagbibigay-lakas sa mga mamamayang patuloy na nagsusulong ng katotohanan at katarungang panlipunan.

Ang naganap na “i-TAG 3G Prayer Gathering for Good Governance” sa Butuan Sports Complex, Libertad, Butuan City noong November 29, 2025 ay bahagi ng mas malawak at kongkretong paninindigan ng Diyosesis ng Butuan upang patatagin ang moral voice ng Simbahan at ipanawagan ang pamamahala na tunay na naglilingkod sa bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 50,421 total reads

 50,421 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 85,097 total reads

 85,097 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 113,562 total reads

 113,562 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 150,047 total reads

 150,047 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 165,157 total reads

 165,157 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top