Pagsasabatas ng 200-peso minimum wage hike, hamon ng kongresista kay PBBM at House Speaker

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 60,252 total reads

Hinamon ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang administrasyong Marcos at liderato ng Kamara na isertipika bilang ‘urgent’ ang pagsasabatas ng P200 minimum wage hike.

Ayon kay Cendaña, ito ay kung tunay ang hangarin ng gobyerno na maibalik ang tiwala ng publiko.

Sinabi pa ng mambabatas, nawa ay pakinggan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panawagan ng taong bayan sa ginanap na Trillion Peso March at ang binitiwang hamon ni Kalookan Bishop, Cardinal Pablo Virgilio David.

“Tutal sabi ng Palasyo minonitor ni Pres. Marcos ang Trillion Peso March kahapon, sana naman pinakinggan ng pangulo ang paalala ni Cardinal David sa kanya na ‘magtrabaho ka naman’. Those words should carry more weight than the opinions of his unsympathetic economic managers who sabotaged the wage hike increase last year,” ayon kay Cendaña.

Hinimok din ni Cendaña, ang mga kapwa mambabatas na agad na isabatas ang panukalang umento kung nais nilang maibalik ang tiwala ng bayan.

Giit pa ng mambabatas, “Kung seryoso ang Kamara na makuha ang tiwala ng taumbayan, dapat minamadali natin ang pagtaas ng kinikita ng mga manggagawa. Hirap magtiwala ang taumbayan sa mga pangakong reporma kung nakikita nila ang agwat ng pamumuhay ng mga public officials sa pamumuhay nila.”

Bukod kay Cendaña, kasama ring umakda sa House Bill 766 o P200 wage hike sina Representatives Chel Diokno, Dadah Kiram Ismula, at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao na kasalukuyang nakabinbin sa House Committee on Labor and Employment.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 146,279 total reads

 146,279 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 219,495 total reads

 219,495 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 252,943 total reads

 252,943 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 288,241 total reads

 288,241 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 509,104 total reads

 509,104 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top