Diocese of Assisi sa Italy, ikinagalak ang pilgrimage ng relic ni St.Carlo Acutis sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 52,706 total views

Ikinagagalak ng Diocese of Assisi sa Italy ang matagumpay na pilgrimage nang relic ni Saint Carlo Acutis sa Pilipinas.

Ayon kay Assisi Bishop Domenico Sorrentino, napakabuting pagkakataon ito para sa mga Pilipino at mamamayan sa iba pang bansa kung saan idinadaos ang pilgrimage upang mapalalalim ang pananampalataya ng mamamayan.

“Carlo, following in the footsteps of Saint Francis and Saint Clare, explains to us that Jesus is the only true joy, Jesus with Mary, especially in the Eucharist. Carlo is a good teacher who teaches us the path to holiness, and with Francis he forms an extraordinary team: learning from them is the secret of joy,” ayon sa mensahe ni Bishop Sorrentino na pinadala ng Diocese of Assisi, Italy sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni CBCP President Lipa Archbishop Gilbert Garcera na ang pilgrimage ay pagkakataon upang higit na makilala ang “Patron Saint of the Internet” na ini-alay ang buhay sa panginoon gamit ang makabagong teknolohiya.

“An opportunity for prayer, devotion, and encounter with the patron saint of the internet—he said—and a powerful witness to youthful holiness. May these grace-filled days inspire us to live a life of Eucharist, charity, and the love of God—just like Carlo Acutis,” ayon pa sa mensahe ni Archbishop Garcera na pinadala ng Diocese of Assisi Italy sa Radyo Veritas.

Sa Pilgrimage ng relikya ni Saint Carlo Acutis, si Msgr. Anthony Figueiredo, Director of International Affairs and Custodian of the Pericardium Relic of St. Carlo Acutis for the Diocese of Assisi, ang siyang nagdala ng relikya mula sa Italy papunta sa Pilipinas.

Nagsimula noong November 28–29 ang pilgrimage sa Arkidiyosesis ng Maynila, Diyosesis Malolos, Kalookan, at Novaliches kung saan naikot na nito ang ibat-ibang mga simbahan at dambana sa magkakaibang diyosesis.

Bukas, December 11 ay magpapatuloy ang pilgrimage sa Parish and National Shrine of St. Padre Pio sa Archdiocese of Lipa, December 12 sa Santo Domingo Church – National Shrine of Our Lady of the Holy Rosary of La Naval de Manila Diocese of Cubao, December 13 sa Diocese of San Jose – Saint Joseph the Worker Cathedral Parish at Diocese of Cabanatuan – Saint Nicholas of Tolentino Parish Cathedral.

Habang sa December 14, sa huling bahagi ng pilgrimage ay bibisita ang relikya sa Santuario de San Antonio Parish, Makati at San Felipe Neri Parish sa Archdiocese of Manila bago ang muling pagbalik ng relikya sa Diocese of Assisi sa Italy sa December 15 kung saan nakalagak ang mga labi ni Saint Carlo Acutis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 10,880 total views

 10,880 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 34,032 total views

 34,032 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 104,145 total views

 104,145 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 178,758 total views

 178,758 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 258,106 total views

 258,106 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 1,979 total views

 1,979 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top