Dignidad ng tao, pundasyon ng moralidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 51,087 total reads

Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) at mga Mission Partners sa pagtatanggol sa buhay at dignidad ng tao kasabay ng paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao noong December 10.

Sa kanilang pahayag, binigyang-diin ng grupo na “ang karapatang pantao ay hindi lamang pananaw o polisiya, ito ay mga banal na biyayang nakaugat sa dignidad na bigay ng Diyos sa bawat tao.”

Iginiit nila na ang dignidad ng tao ang pundasyon ng moralidad sa lipunan, subalit “sugatan” pa rin ang karapatan ng maraming Pilipino sa kasalukuyang panahon.

Pinuna ng CMSP-JPICC ang patuloy na paghahanap ng katarungan ng mga pamilyang biktima ng karahasan, ang red-tagging at pananakot laban sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao, at ang mga kaso ng harassment at pagpapalayas sa mga katutubo mula sa kanilang lupang ninuno.

Binatikos din ng grupo ang laganap na korapsyon na anila’y sumisira sa mga komunidad.

“Buong tapang naming binibigyang-diin: ang malawakang korapsyon sa mga flood control projects ay isang mabigat na kasalanan laban sa sambayanan,” pahayag nila.

Ayon sa grupo, nagiging “kamatayan” ang korapsyon para sa mahihirap na paulit-ulit na nalalagay sa panganib at pagdurusa.

“Hindi maaaring manahimik ang Simbahan… Ito ay hindi lamang isyu ng pamamahala. Ito ay paglabag sa karapatang pantao at kasalanan laban sa Diyos at sa bayan,” dagdag ng CMSP-JPICC.

Iginiit ng grupo na ang daing ng mga biktima ng karahasan, baha, gutom, at pang-aabuso ay “daing ni Kristo,” kaya’t tungkulin ng simbahan na tumindig para sa mga walang boses.

“Pinagtitibay namin ang aming misyon: tumindig para sa katotohanan, samahan ang mga biktima, ipagtanggol ang mga naaapi, at manawagan ng pananagutan at tapat na pamamahala,” ayon sa grupo.

Hinimok din nila ang taumbayan na tanggihan ang kasinungalingan, labanan ang korapsyon, at isulong ang katarungan at kapayapaan.

Sa kabila ng mga hamon, nagpahayag ang CMSP-JPICC ng pag-asa, isang “pag-asang kumikilos, gumagaling, at nagbabago.”

Ang December 10 ay ginugunita bilang Human Rights Day mula nang pagtibayin ng United Nations General Assembly noong 1948 ang Universal Declaration of Human Rights, ang kauna-unahang pandaigdigang dokumentong naglatag ng batayang karapatan at kalayaan ng lahat ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 139,006 total reads

 139,006 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 213,348 total reads

 213,348 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 246,798 total reads

 246,798 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 282,096 total reads

 282,096 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 503,198 total reads

 503,198 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top