Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao, ginunita ng Human Rights advocates

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,318 total reads

Nagkaisa ang ecumenical at human rights groups sa Negros upang gunitain ang Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao ngayong Disyembre 10, 2025.

Nananawagan sa publiko ang One Negros Ecumenical Council (ONE-C), Taumbayan Ayaw sa Magnanakaw at Abusado Network Alliance – Negros (TAMA NA! ALLIANCE-Negros), kasama ang Human Rights Advocates in Negros (HRAN) na makiisa sa isang malawakang March-Rally, kasabay ng pagdiriwang ng 77th Anniversary ng Universal Declaration of Human Rights ng United Nations.

Sinasabi ng mga grupo na ang pagdiriwang ngayong taon ay higit na makabuluhan sa gitna ng malalim na kahirapan at patuloy na paglabag sa karapatan ng mamamayan sa bansa.

Sa nagkakaisang pahayag ay binigyang-diin ng mga ecumenical at human rights groups na ang malawakang kahirapan at kakulangan sa tunay na pag-unlad ay nag-aalis sa karamihan ng Pilipino ng karapatan sa isang makatao at disenteng pamumuhay.

Dagdag pa ng mga grupo, lalo pang lumalala ang kondisyon ng mahihirap habang bilyon-bilyong pisong pondo ng bayan ang ninanakaw ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

“In our country today, massive poverty and underdevelopment deprived the overwhelming majority of our people of the fundamental right to lead a truly human life, and to everything necessary to maintain it. This miserable condition of the poor much worsened as billions of pesos from the people’s money had been anomalously siphoned by the corrupt bureaucrats.” Bahagi ng nagkakaisang pahayag ng ecumenical at human rights groups sa Negros.

Binigyang-diin rin ng koalisyon na ang karapatan ng mamamayan sa holistic at genuine development ay patuloy na naisasantabi dulot ng katiwalian sa pamahalaan, patuloy na karahasan sa lipunan, at gayundin ang pagkasira ng kalikasan sanhi ng mapanirang mga proyekto ng lokal at dayuhang korporasyon.

“Likewise, People’s Rights to holistic and genuine development had been violated due to not only bureaucratic corruption but of widespread human rights violations and plunder of our environment by the local and foreign “development” aggression.” Dagdag pa ng mga grupo.

Kabilang sa mga nakahanay na gawain para sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao partikular na ang ika-77 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights ng United Nations ang PEOPLE’S WALK / MARCH na magsisimula sa Provincial Capitol Lagoon (South Capitol Lagoon) mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-singko ng hapon; at ang HUMAN RIGHTS RALLY na nakatakda sa Bacolod City Public Plaza Replica mula alas-dos hanggang alas-singko ng hapon.

Umaasa ang ONE-C, TAMA NA! ALLIANCE-Negros, at HRAN sa aktibong pakikiisa ng lahat ng sektor ng lipunan mula sa mga kabataan, simbahan, manggagawa, kababaihan, at mga people’s organizations sa makasaysayang pagtitipon upang isulong ang katapatang pantao ng bawat isa sa lipunan.

Layunin din ng kilos-protesta na maging isang malakas na pagpapahayag ng mamamayan ng Negros laban sa korapsyon, paglabag sa karapatang pantao, at patuloy na pagkasira ng kalikasan kasabay ng pananawan para sa isang mas makatao, makatarungan, at maka-Diyos na lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 139,167 total reads

 139,167 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 213,449 total reads

 213,449 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 246,899 total reads

 246,899 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 282,197 total reads

 282,197 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 503,294 total reads

 503,294 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top