Kauna-unahang Bamboo church sa Bohol, ilulunsad ng Diocese ng Tagbilaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 58,856 total reads

Inihayag ng Diocese of Tagbilaran ang planong pagtatayo ng kauna-unahang bamboo church sa lalawigan ng Bohol na isang proyektong nagtataguyod ng pananampalataya at pangangalaga sa kalikasan.

Ayon sa diyosesis, isinusulong ang proyekto bilang tugon sa lumalaking bilang ng mananampalataya ng St. Vincent Ferrer Chaplaincy sa Barangay Cabawan, Tagbilaran City, kung saan inaasahang makapagtitipon ang itatayong simbahan ng hanggang 1,500 katao.

Tampok sa disenyo ng simbahan ang paggamit ng treated bamboo na isang hakbang na binibigyang-diin ng diyosesis bilang pagpapahalaga sa kalikasan at konkretong pakikiisa ng Simbahan sa adbokasiya ng pangangalaga sa kapaligiran sa gitna ng patuloy na pag-unlad.

“More than a pursuit of distinction, the project seeks to let a local faith community speak to the world, showing how faith, sustainability, and innovation can rise together. What makes this project truly extraordinary is its vision to stand as a landmark bamboo church,” ayon sa pahayag ng diyosesis.

Bukod sa pagsagot sa pangangailangang pastoral, nagsisilbi rin ang proyekto bilang paghahanda ng pamayanan bago ang inaasahang pag-angat ng chaplaincy bilang ganap na parokya.

Ang inisyatiba ay pinangungunahan ng St. Vincent Ferrer Chaplaincy sa ilalim ng Diocese of Tagbilaran, idinisenyo ng arkitektong si Erven Digal, at sinusuportahan ng United Bohol Bamboo Advocates, Inc.

Plano ring itampok ang proyekto sa pandaigdigang entablado sa pamamagitan ng pagsusumite nito sa Guinness World Records bilang pinakamalaking bamboo structure ng uri nito.

“Plans are being prepared for submission to the Guinness World Records as the largest bamboo structure of its kind,” ayon sa diyosesis.

Itinakda ang pormal na paglulunsad ng proyekto sa January 4, 2026, na sisimulan sa pagdiriwang ng banal na misa sa mismong project site sa Barangay Cabawan.

Hinimok naman ng pamayanan ng Cabawan at ng buong diyosesis ang mga mananampalataya at mga institusyon na suportahan at makibahagi sa pagpapatupad ng proyekto.

Iginiit ng diyosesis na ang itinatayong bamboo church ay hindi lamang isang istruktura kundi isang sama-samang pangarap ng pamayanan na patunay na ang pananampalataya ay maaaring maging daan sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at sa paglikha ng pamana para sa mga susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 15,702 total reads

 15,702 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 123,257 total reads

 123,257 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 160,044 total reads

 160,044 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 190,618 total reads

 190,618 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 238,361 total reads

 238,361 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top