Tunay na Diwa ng Bagong Taon: “Pananagutan at Pagbabago”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,833 total views

Binigyang diin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na ang tunay na diwa ng Bagong Taon ay hindi nasusukat sa paglipat ng petsa sa kalendaryo kundi sa konkretong pagbabago ng pag-iisip, pananalita, at pag-uugali ng bawat isa.

Sa mensahe ng obispo sa pagpasok ng taong 2026, iginiit na walang saysay ang pagpasok ng panibagong taon kung nananatiling hindi nagbabago ang puso at asal ng tao na malaking epekto sa pamumuhay sa lipunan.

“Kung hindi tayo magbabago, kahit ilang taon pa ang lumipas, mananatili tayong luma,” ayon kay Bishop Santos.

Tinukoy ng obispo ang tatlong mahahalagang larangan ng personal na pagbabago, ang pag-iisip, pagsasalita, at pag-uugali, bilang pundasyon ng mas maayos na pamilya, pamayanan, at bansa.

Hamon ni Bishop Santos sa mga mananampalataya na unahin ang Diyos sa bawat desisyon at gawain sapagkat ang wastong pag-iisip ang ugat ng mabuting kilos at ugali, at dapat itong nakatuon hindi sa pansariling interes kundi sa kabutihan ng kapwa.

“Hindi tayo tinawag para manlamang, manloko, o magnakaw kahit sa maliliit na paraan. Tinawag tayo para magbigay, magpala, at maglingkod,” giit ng obispo.

Nagbabala rin si Bishop Santos sa publiko laban sa mapanirang pananalita, lalo na sa social media na ayon sa obispo, maraming salita ang nagiging sanhi ng pagkakahati at sugat sa lipunan sa halip na maghatid ng paghilom gaya ng kasalukuyang kalagayang pampulitika sa bansa.

“Magsalita nang totoo. Hindi fake news, hindi tsismis, hindi kasinungalingan,” ani Bishop Santos, kasabay ng paalala na ang salita ay may kapangyarihang maghasik ng galit o magpalaganap ng pag-asa.

Iginiit ng obispo na ang pananampalataya ay dapat makita sa gawa at binigyang diin na hindi sapat ang panalangin at pagsisimba kung hindi ito isinasabuhay sa pamamagitan ng kababaang-loob, paggalang sa batas at kapwa, at kusang-loob na paglilingkod.

“Hindi sapat ang dasal kung hindi nakikita sa asal. Hindi sapat ang misa kung hindi nakikita sa buhay,” dagdag ng obispo.

Nilinaw ni Bishop Santos na ang panawagan ng Bagong Taon ay panawagan sa personal na pananagutan.

“Hinihikayat tayo ng Diyos sa bagong puso, bagong isip, bagong salita, at bagong buhay,” pahayag ng obispo, gayundin ang paalala na ang tunay na pagbabago ay bunga ng pagmamahal sa Diyos, hindi lamang ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

(with JM Figarola)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 11,070 total views

 11,070 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 46,860 total views

 46,860 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 88,752 total views

 88,752 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 142,389 total views

 142,389 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 168,632 total views

 168,632 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top