Edad, hindi kasarian, ang mas nakaaapekto sa pagtupad ng New Year’s Resolutions — Veritas Survey

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 66,165 total reads

Lumalabas sa pinakabagong Radio Veritas Truth Survey (VTS) na mas may malaking gampanin ang edad kaysa kasarian sa kakayahan ng mga Pilipino na tuparin ang kanilang New Year’s resolutions.

Isinagawa ang survey mula Disyembre 1 hanggang 25, 2025, na nilahukan ng 1,200 respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, na may margin of error na ±3 porsiyento.

Ayon sa resulta, 38.3 percent ng mga respondents ang nakatupad ng humigit-kumulang 75 percent ng kanilang mga New Year’s resolution. May 34 percent naman ang nagsabing kalahati ng kanilang mga layunin ang kanilang naisakatuparan. Samantala, 23.4 percent ang nagsabing natupad nila ang lahat ng kanilang New Year’s resolutions, habang 4.3 percent lamang ang umamin na 25 percent lang ng kanilang mga plano ang kanilang nagawa.

Batay sa pagsusuri ng VTS, mas mataas ang antas ng pagtupad sa mga resolusyon ng mga mas nakatatandang respondents, na iniuugnay sa mas malinaw na prayoridad, mas makatotohanang pagtatakda ng layunin, at mas malawak na karanasan sa buhay.

Sa kabilang banda, mas nahihirapan ang mga mas nakababatang edad dahil sa hamon ng trabaho, pananalapi, at mabilis na takbo ng pamumuhay.

Sa aspeto ng kasarian, halos walang makabuluhang pagkakaiba ang kalalakihan at kababaihan sa antas ng tagumpay sa pagtupad ng New Year’s resolutions, na nagpapakita na mas mahalaga ang personal na disiplina at kalagayan sa buhay kaysa kasarian.

Sa mensahe ni Brother Clifford T. Sorita,, binigyang-diin niya ang mas malalim na kahulugan ng New Year’s resolutions:

“Ever noticed how the first morning of January feels different? Not just because the fireworks are gone and the house is quiet — but because somewhere in your chest, there’s a little flicker that wasn’t there on December 31st. It’s the feeling of standing in front of a blank page, pen in hand, and realizing you get to decide what goes on it,” ayon kay VTS Coordinator Bro. Clifford Sorita.

Dagdag pa nito, “That’s what a New Year’s resolution is, really: not a rigid rule you’ll break by week two, but a gentle nudge toward the person you want to become.”

Ayon sa Radio Veritas, layunin ng survey na magbigay ng mas malinaw na larawan ng pag-uugali at pagpapahalaga ng mga Pilipino pagdating sa personal na pagbabago at pagharap sa bagong taon.

Ipinapakita ng resulta ng VTS na bagama’t nananatiling mahalagang tradisyon ang paggawa ng New Year’s resolutions, ang tunay na susi sa tagumpay ay ang makatotohanang layunin, tamang pagpapahalaga, at kahandaan sa pagbabago—lalo na habang tumtanda at humuhubog ang karanasan ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 39,596 total reads

 39,596 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 73,780 total reads

 73,780 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 130,186 total reads

 130,186 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 251,803 total reads

 251,803 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top