Malawakang pinsala ng agri-business at pagmimina sa Mindanao, ibinunyag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 51,586 total reads

Ibinunyag ni Fr. Rey Raluto, kura paroko ng Jesus Nazareno Parish sa Libona, Bukidnon at saklaw ng Diyosesis ng Malaybalay, ang malalim na pinsalang dulot ng malawakang agribusiness at pagmimina sa Mindanao, lalo na sa kalagayan ng kagubatan, suplay ng tubig, at buhay ng mga magsasaka at katutubong pamayanan.

Si Fr. Raluto ay nagsilbing tagapagsalita sa 3-day church-led conference ng Caritas Philippines na “Hayuma: Mending the Broken,” na ginanap sa University of Santo Tomas mula January 14 hanggang 16, 2026.
Ayon sa pari, bagama’t napapalibutan ng lupa ang mga lalawigan tulad ng Bukidnon, Lanao del Norte, at Lanao del Sur, dito naman nagmumula ang pinanggagalingan ng malalaking ilog sa bansa.

“Nasa amin ang sources ng mga major rivers, kaya napakahalaga ng forest cover. Dapat 54 porsiyento ito, pero ngayon, 23 na lang,” ayon kay Fr. Raluto.

Tinukoy niya ang unsustainable land use bunsod ng lawak ng mga plantasyon ng saging at pinya, kung saan ang agricultural expansion ay maituturing na parehong biyaya at sumpa—may hatid na pagkain at trabaho, ngunit may kaakibat na pagkasira ng kalikasan, lalo na ng tubig at ekosistema.

Binigyang-diin din ni Fr. Raluto na hindi umaangat ang buhay ng mga pamayanan sa kabila ng presensya ng malalaking agribusiness.

“Displaced ang mga Lumad kahit lupa nila ang tinatamnan. Sila pa rin ang pinakamahihirap sa aking parokya,” ayon sa pari.

Nagbabala rin ang pari sa panganib ng paggamit ng toxic agrochemicals at epekto ng pagmimina sa mga ilog at groundwater, kung saan mahigit 180 ilog sa bansa ang labis nang apektado ng polusyon.

Bilang tugon, nanawagan si Fr. Raluto ng mas malalim na pag-unawa at pagsasabuhay ng integral ecology ayon sa Laudato Si’, at iginiit na hindi maaaring ihiwalay ang pangangalaga sa kalikasan sa pagtatanggol sa mga katutubo.

“Hindi sapat ang tree-planting lang. Lahat ay magkakaugnay—kalikasan, tao, kultura, ekonomiya… Sa Mindanao, walang ecological advocacy kung walang paninindigan para sa Lumad at sa kanilang lupang ninuno,” saad ni Fr. Raluto.

Sa huli, hamon ni Fr. Raluto sa Simbahan at lipunan ang malinaw na paninindigan laban sa mga gawaing sumisira sa lupa, tubig, at buhay.

Aniya, kung patuloy na isasakripisyo ang kagubatan at mga katutubo sa ngalan ng kita at kaunlaran, hindi lamang kalikasan ang mawawala, kundi ang kinabukasan mismo ng mga susunod na henerasyon.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 16,469 total reads

 16,469 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 34,344 total reads

 34,344 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 74,232 total reads

 74,232 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 108,359 total reads

 108,359 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 164,765 total reads

 164,765 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,552 total reads

 178,552 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top