Pagtatanggol sa buhay, pastoral na tungkulin ng simbahan-Bishop Agcaracar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,249 total views

Nanindigan si San Jose Bishop Samuel Agcaracar na ang pagtatanggol sa buhay, lalo na ng mga hindi pa isinisilang, ay hindi lamang usapin ng batas kundi isang malinaw at kongkretong pastoral na tungkulin ng Simbahan.

Sa kanyang homiliya sa banal na misa na ginanap sa National Shrine of St. Jude Thaddeus, kasabay ng ikatlong araw ng 131st Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sinabi ng obispo na ang diwa ng pro-life advocacy ay nasusukat sa pakikilakbay at pagdamay sa mga ina at pamilyang nahaharap sa takot at pangamba.

“To defend life is not only to speak about laws or principles. It is a pastoral commitment. It means walking with mothers and families, listening without judgment, and offering support where fear, loneliness, and uncertainty are present,” ayon kay Bishop Agcaracar.

Ginunita rin sa pagdiriwang ang Day of Prayer for the Legal Protection of Unborn Children, na hindi panahon ng pagtatalo o paghatol kundi ng panalangin, pakikinig upang maipadama ang diwa ng pakikiisa at pakikilakbay.

“This day is not about arguing or condemning, but it is about praying, listening, and allowing our hearts to be shaped by compassion,” dagdag ng obispo.

Binigyang-diin ni Bishop Agcaracar ang kahalagahan ng pagtindig para sa mga hindi pa isinisilang dahil ito ay biyaya ng Diyos na nararapat pahalagahan lalo’t wala pa itong kakayahang manindigan para sa kanilang sarili.

“They are the smallest and most vulnerable members of our human family. They cannot speak for themselves, yet they are fully known and deeply loved by God,” aniya.

Tinukoy rin ng obispo ang krisis ng intimacy bilang isa sa malalalim na suliranin ng makabagong panahon, na pinalalala ng teknolohiyang minsang pumapalit sa tunay na ugnayang pantao.

“One of the deep struggles of our time is a crisis of intimacy… When intimacy is missing, fear grows,” giit ni Bishop Agcaracar.

Partikular ding binigyang-pansin ng obispo ang kalagayan ng mga kababaihang nahaharap sa iba’t ibang krisis, kabilang ang crisis pregnancy, na higit nangangailangan ng presensya at pagkalinga kaysa paghusga.

“What they need most is not condemnation, but presence, not rejection, but accompaniment,” giit ng obispo.

Hinimok ni Bishop Agcaracar ang Simbahan at ang sambayanan na yakapin ang diwa ng synodality na isang Simbahang nagtatanggol sa buhay sa pamamagitan ng awa, pakikipag-ugnayan, at tunay na pakikipagkapwa.

“The call to communion is a missionary imperative in our time. This is the goal and essence of synodality,” ayon kay Bishop Agcaracar.

Sa pagtatapos, idinulog ng obispo sa panalangin, sa tulong ni St, Jude Thaddeus, ang patron ng pag-asa sa mahihirap na sitwasyon, na nawa’y patuloy na piliin ng sambayanan ang buhay, awa, at pagmamahal bilang landas tungo sa isang lipunang kumakalinga sa mga sugatan, mahihirap, at nangangailangan.

Katuwang ni Bishop Agcaracar sa pagdiriwang ng banal na misa ang mga kapwa SVD bishops na sina Bangued Bishop Leopoldo Jaucian at San Jose, Occidental Mindoro Bishop Pablito Tagura.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 16,885 total views

 16,885 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 38,890 total views

 38,890 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 63,232 total views

 63,232 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 87,139 total views

 87,139 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 121,676 total views

 121,676 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top