1ST class relic ni San Ezequiel Moreno, dadalaw sa Radyo Veritas chapel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,445 total reads

Inaanyayahan ng Radyo Veritas ang publiko sa pagdalaw ng first class relic ni San Ezequiel Moreno sa Radyo Veritas Chapel sa February 4, 2026, kasabay ng paggunita ng National Cancer Awareness Day.

Ayon kay Fr. Roy Bellen, Pangulo ng Radyo Veritas, ang pagbisitang ito ay isang mahalagang pagkakataon para sa mga Kapanalig, lalo na sa mga may karamdaman, na makapag-alay ng panalangin sa pamamagitan ng santong kinikilalang patron ng mga may cancer.

Ipinaliwanag ni Fr. Bellen na bahagi ito ng patuloy na misyon ng himpilan na maghatid ng pag-asa at espiritwal na lakas, lalo na sa mga dumaranas ng karamdaman, sa pamamagitan ng panalangin at mga sakramento ng Simbahan.

“Iniimbitahan po namin ang mga Kapanalig na dumalaw sa Radyo Veritas Chapel sa pagbisita ng first class relic ni San Ezequiel Moreno, upang sa kanyang pamamagitan ay mapagkalooban ng Diyos ng lakas at kagalingan ang mga may sakit,” pahayag ni Fr. Bellen.

Dadalhin ang relikya ng Saint Ezequiel Moreno Novitiate – Recoletos ganap na alas-onse ng umaga.

Isasagawa ang enthronement of the relic, na susundan ng banal na misa sa alas-dose ng tanghali na pangungunahan ng Augustinian Recollect missionary.

Si San Ezequiel Moreno ay isang paring misyonero ng Augustinian Recollect at obispo na naglingkod sa Pilipinas bago naitalaga sa Colombia.

Kinilala siya bilang patron ng mga may cancer dahil sa sarili niyang karanasan ng matinding pagdurusa mula sa cancer of the jaw, na hinarap niya nang may kababaang-loob, pananampalataya, at ganap na pagtitiwala sa Diyos.

Sa kabila ng karamdaman, nagpatuloy siya sa paglilingkod hanggang sa kanyang pagpanaw noong 1906 at ginawang santo ni noo’y santo papa Saint John Paul II noong 1992.

Ipinagdiriwang ang National Cancer Awareness Day sa Pilipinas bilang pakikiisa sa pandaigdigang kampanya laban sa cancer at layong palaganapin ang kamalayan, pag-iwas, at malasakit sa mga apektado ng sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 77,879 total reads

 77,879 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,602 total reads

 172,602 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 216,870 total reads

 216,870 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 239,979 total reads

 239,979 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 311,604 total reads

 311,604 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top