CEAP, nakikiisa sa laban ng mamamayan ng Dupax del Norte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 57,103 total reads

Nagpahayag ng buong pakikiisa ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa Caritas Philippines, Diocese of Bayombong, at mga mamamayan ng Dupax del Norte sa kanilang paninindigan para ipagtanggol ang lupa, dignidad, at kinabukasan ng komunidad.

Ayon sa CEAP, ang tunay na kaunlaran ay dapat nakaugat sa paggalang sa karapatang pantao, pangangalaga sa mga lupang ninuno, at sa ating nag-iisang tahanan.

Binigyang-diin din ng samahan ang pangangailangan ng konsultasyon at pananagutan sa mga desisyong may malaking epekto sa mahihirap at bulnerableng sektor.

“We echo the call for genuine consultation and moral accountability in decisions that deeply affect local communities, especially the poor and vulnerable,” pahayag ng CEAP.

Lubha ring ikinababahala ng CEAP ang mga ulat ng pananakot at karahasan laban sa mga residente, na taliwas sa mga pagpapahalaga ng katarungan, diyalogo, at batas.

Batay sa katuruang panlipunan ng Simbahan, sinusuportahan ng CEAP ang panawagang itigil ang mga mapaminsalang pag-unlad, tulad ng pagmimina, na nagbabanta sa buhay, kabuhayan, at kalikasan.

“We stand with the local Church and Caritas Philippines in forming consciences, educating for justice, and advocating for development that truly serves the poor,” giit ng CEAP.

Una nang iginiit ng Caritas Philippines ang pagsuporta sa panawagan ng Diyosesis ng Bayombong para sa agarang pagpapatigil sa exploration activities ng Woggle Corporation, kabilang ang paglalabas ng cease-and-desist order, upang maiwasan ang karagdagang pinsala sa kalikasan at paglabag sa karapatang pantao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 25,750 total reads

 25,750 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 105,998 total reads

 105,998 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 200,224 total reads

 200,224 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 260,713 total reads

 260,713 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 273,269 total reads

 273,269 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,849 total reads

 70,849 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top