Makonsensiya, dasal ng Obispo sa MGB at DENR sa pagpayag ng mining exploration sa Dupax del Norte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,648 total reads

Nilinaw ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao na ang tuluyang pagbuwag sa barikada sa Purok Keon, Barangay Bitnong, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya ay hindi nangangahulugan ng pagkatalo ng mga mamamayan na tumututol sa mining exploration ng Woggle Mining Corporation.

Kasunod ito ng ganap na pagpapatupad ng Writ of Preliminary Injunction noong January 23, 2026, na humantong sa pagtanggal ng human barricade at pagpasok ng mga sasakyan at kagamitan ng kumpanya sa lugar.

Ayon kay Bishop Mangalinao, nagdulot ng matinding lungkot at galit sa mga residente ang mga naganap, lalo na sa mga magsasakang matagal nang nagbabantay sa barikada upang ipagtanggol ang kanilang lupa at kabuhayan.

“Nakapanlulumong masaksihan kung papaanong sila ay naghihirap sa loob ng maraming buwan sa pagbabarikada at ngayon ay mas dinurog pa ng mga naging kaganapan,” pahayag ni Bishop Mangalinao.

Ipinahayag din ng obispo ang pagkabahala sa kawalan ng tugon ng mga institusyon ng pamahalaan sa hinaing ng mga komunidad, sa kabila ng paulit-ulit na panawagan para sa tulong at patas na pagdinig sa kanilang mga hinaing laban sa mining exploration.

“Sa kabila ng kanilang panlilimos ng tulong mula sa mga nasa kapangyarihan… ang kanilang natanggap ay katahimikan at kawalan ng pakialam at pagbibigay pabor pa sa Woggle Mining Corporation,” ayon sa obispo.

Nanawagan si Bishop Mangalinao sa Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng tapat na pagsusuri sa mga naging hakbang sa pagpapatupad ng batas, at tiyaking nasunod ang tamang proseso, kabilang na kung may naganap na pag-abuso sa kapangyarihan.

Hinamon din ng obispo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Mines and Geosciences Bureau (MGB), partikular kina DENR Region II Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan at MGB Region II Director Mario Ancheta, na magpakita ng transparency at tugunan ang mga alegasyon ng paglabag sa proseso ng pagbibigay ng mining permits sa lalawigan.

“Gusto namin na kayo ay maramdaman. Gusto namin na makita kung ano ang inyong mga ginagawa tungkol sa usaping ito ng Mining Exploration sa aming probinsya. Nagde-demand kami ng transparency sa inyong mga ginagawang hakbang para masolusyonan ang problemang ito,” giit ni Bishop Mangalinao.

Ipinapanalangin naman ni Bishop Mangalinao si Judge Paul Attolba, Jr., ang hukom na naglabas ng Writ of Preliminary Injuction na pumabor sa mining company, na nawa’y maliwanagan ang isipan at kalooban upang maipagkakaloob ang tunay na katarungan para sa mamamayan ng Dupax del Norte.

Sa huli, iginiit ng obispo na ang pagbuwag sa barikada ay hindi makababali sa pagkakaisa ng mamamayan ng Nueva Vizcaya, kundi higit pang mag-udyok sa bawat isa na magkaisa at bumuo ng mas malawak at mas matibay na barikada.

Nagpahayag din si Bishop Mangalinao ng patuloy na pakikiisa at panalangin para sa mga frontliners at pitong indibidwal na inaresto sa operasyon.

“May awa ang Diyos, hindi tayo susuko. May habag ang Diyos, tuloy ang laban. May hustisya ang Diyos na nakalaan sa lumalabag sa karapatan ng mga dukha at api. Patuloy tayong magtiwala at manalig sa Kanya,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 7,455 total reads

 7,455 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 19,824 total reads

 19,824 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 91,759 total reads

 91,759 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 178,260 total reads

 178,260 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 221,294 total reads

 221,294 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 270,094 total reads

 270,094 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 193,645 total reads

 193,645 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top