Pagkansela sa mining contract ng APMC,panawagan ng mga residente ng Sibuyan island

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,720 total views

Muling nanawagan ang mga residente ng Sibuyan Island sa Romblon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na agarang kanselahin ang mining contract ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC), kasabay ng paggunita sa ikatlong anibersaryo ng pagbabarikada laban sa operasyon ng kumpanya.

Ayon kay Sibuyanons Against Mining (SAM) coordinator Elizabeth Ibañez, halos isang taon na ang nakalipas mula nang ihain nila ang petisyon para sa kanselasyon ng kontrata, ngunit wala pa ring malinaw na tugon mula sa DENR.

Iginiit ni Ibañez na ang paggunita sa anibersaryo ng barikada ay sumasalamin sa matibay na paninindigan ng mga komunidad laban sa pagmimina.

“We will continue to resist in the barricades and elsewhere until Altai Mining is permanently booted out of our island,” giit ni Ibañez.

Nabahala naman si Living Laudato Si’ Philippines executive director Rodne Galicha, tungkol sa patuloy na pagbalewala ng DENR na tugunan ang kanilang petisyon.

Sinabi ni Galicha, lumabag ang Altai Mining sa ilang batas, kabilang ang pagtatayo ng mga istrukturang walang Environmental Compliance Certificate, kawalan ng foreshore lease agreement, at pagputol ng mga puno nang walang permit, dahilan upang maglabas ang DENR ng cease and desist order.

“Despite the violative and illegal activities of mining companies, President [Ferdinand] Marcos, Jr. has consistently chosen to uphold large-scale mining operations over the welfare of the people and environment,” dagdag ni Galicha.

Samantala, iginiit naman ni Alyansa Tigil Mina national coordinator Jaybee Garganera, na malinaw sa karanasan ng Sibuyan na pagpapanggap lamang ang konsepto ng responsableng pagmimina.

Aniya, ipinapakita ng nangyayari sa Sibuyan Island na walang tunay na paninindigan ang pamahalaan upang papanagutin ang mga lumalabag na kumpanya.

“In short, environmental destruction and human rights violations in mining communities are deemed acceptable by this government,” pahayag ni Garganera.

Itinatag ng mga residente ang barikada noong January 24, 2023 upang pigilan ang transportasyon ng nickel ore ng Altai Mining, at iginiit ang ilegal na operasyon ng kumpanya.

Noong March 4, 2025, naghain ng pormal na petisyon ang mga community leader sa DENR upang kanselahin ang Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) ng kumpanya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 37,544 total views

 37,544 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 61,860 total views

 61,860 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 97,650 total views

 97,650 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 138,677 total views

 138,677 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 189,428 total views

 189,428 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top