De Salle University at Ateneo de Manila, ginawaran ng Gawad Julian Cruz Balmaceda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,770 total views

Tiniyak ni Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Commissioner Marites Barrios-Taran na buhay ang wikang Filipino at kikilalanin sa lipunan ang paggamit nito higit na sa mga pag-aaral sa pamamagitan ng taunang ‘Gawad Julian Cruz Balmaceda’.

Ito ang mensahe ni Taran sa pagkakaloob ng Gawad Julian Cruz Balmaceda award kay Ferdinand Jarin ng Dela Salle University Manila at Darwin Plaza ng Ateneo de Naga University.

Ayon kay Taran, katangi-tangi ang paggamit nila sa wikang Filipino bilang lenggwahe sa kanilang dissertation o pag-aaral at thesis higit na ngayong nagagamit din ito sa pakikipagtalastasan, sa batas at teknolohiya.

“Maraming salamat po sa pagkakataon ito. Unang-una po, binabati ko ang ating mga nagwagi, no? Katulad ng aking mensahe kanina, ang paggamit ng wikang Filipino sa kanilang mga tesis at desertasyon ay isang patunay na ang wikang Filipino ay isang intelektualisadong wika. At ang ibig sabihin po ng intelektualisadong wika, ang wikang Filipino ay nagagamit na hindi lamang sa mga pang-araw-araw na pagkipagtalastasan, kundi sa mga dominion katulad ng batas, teknolohiya, katulad ng kanina ay disaster management,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Taran.

Iginawad din ang tig-isang daang libong papremyo kay Jarin at Plaza, sa katangi-tangi dissertation o pag-aaral ni Jarin na pinamagatang “Ang Kalyeng Walang Kamatayan: Ang Paglalandas ni Lencio P. Deriada sa Panitikan ng Banwa at Bansa” na tinalakay ang mayamang kultura at panitikan sa Visayas Region.

Habang si Plaza naman na mayroong pinakamahusay na Thesis ng KWF ngayong na pinamagatang ” Gakot at Paglaban sa kalamidad ng mga Partido Erya sa Bicol, Pilipinas” na itinampok ang paghahanda ng mga katutubo sa Bicol Region laban sa mga kalamidad na nararanasan ng Pilipinas.

“Paano po silang makakatulong sa pagpupunyagi natin na maitaguyod at mapaunlad ang kanilang mga akda?, karaniwang aming pinamamahagi,
hindi lamang sa online, kung hindi gumagawa po kami ng mga aklat, na katulad ng nangyari para sa ating awarding ngayon na si Dr. Lovella, meron tayong ubod de asin. Ganyan po ang aming ginagawa upang mahikayat ang ating mga autor na mas pag-igihan pa nila ang pagawa ng mga ganitong akda na makatutulong sa pamayanan,”

Ang Gawad Julian Cruz Balmaceda ay iginagawad taon taon sa mga pinakamahuhusay na pag-aaral at thesis na isinulat gamit ang wikang Filipino para sa mga Pilipinong mag-aaral, kabataan at dalubhasa na mula sa ibat-ibang sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 36,757 total views

 36,757 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 61,073 total views

 61,073 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 96,863 total views

 96,863 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 137,920 total views

 137,920 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 188,720 total views

 188,720 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top