Delusion, resulta ng kawalan ng pananampalataya sa panginoon- Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,374 total views

Binibigyang-diin ni Pope Leo XIV na ang tunay na takbo ng kasaysayan ay hindi hinuhubog ng kapangyarihan ng mga mananakop kundi ng Diyos na kumikilos upang iligtas ang mga naaapi.

Ito ang pagninilay ng Santo Papa sa Angelus sa Vatican kung saan iginiit na sa pamamagitan ng mga Beatitudes o Mapapalad sa Ebanghelyo, muling inihahayag ni Hesus ang plano ng kaligtasan ng Diyos na nagbibigay pag-asa sa mga dukha, nagdurusa, at itinataboy ng lipunan.

“It is no longer written by conquerors, but rather by God, who is able to accomplish it by saving the oppressed,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ipinaliwanag ng Santo Papa na ang mga Beatitudes ay hindi simpleng mga salitang nagbibigay aliw kundi mga atas na nagbibigay-buhay at direksyon sa sangkatauhan, lalo na sa panahong nahaharap sa matinding kahirapan at kawalang katarungan.

“Only God can truly call the poor and afflicted blessed, because he is the highest good who gives Himself to all with infinite love,” ayon sa santo papa.

Binigyang-diin ni Pope Leo na ang di pagkakatugma ng mga Beatitudes ay nagmumula sa kakulangan ng pananampalataya kay Kristo, na Siyang larawan ng pagpapakumbaba, pagdurusa, at kapayapaan.

“The delusion lies precisely in the lack of faith in Christ… Jesus does not speak of a distant consolation, but of a constant grace that always sustains us, especially in times of affliction,” giit ni Pope Leo.

Hinamon din ng Santo Papa ang mga mananampalataya na suriin ang kanilang pagkaunawa sa kaligayahan kung ito ba ay isang bagay na binibili o kaloob na ibinabahagi.

Apela ng Santo Papa sa mananampalataya ang pananalangin sa Mahal na Birheng Maria upang matulungan ang simbahan na manatiling tapat sa diwa ng mga Beatitudes, ang pag-angat sa mapagkumbaba at pag-asa para sa mga itinuturing ng mundo na walang pag-asa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 170,249 total views

 170,249 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 147,882 total views

 147,882 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 212,010 total views

 212,010 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 231,917 total views

 231,917 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Lights! Camera! Action?

 152,018 total views

 152,018 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top