Liwanag at kaligtasan, bokasyon ng consecrated persons

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,732 total reads

Inihayag ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang bokasyon ng mga consecrated persons ay hindi lamang pansariling pagtawag, kundi malinaw na pakikibahagi sa misyon ni Hesus para sa sanlibutan.

Ayon kay Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF, chairperson ng CBCP Commission on Mutual Relations between Bishops and Religious, bagama’t sa sakramento ng binyag ay iniaalay na ng bawat Kristiyano ang kanyang buhay sa Panginoon, may mga iilan na tinatawag sa natatanging pagmimisyon bilang mga relihiyoso at relihiyosa.

Ito ang binigyang-diin ng obispo sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng World Day for Consecrated Life, kasabay ng Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo, na ginanap sa St. Joseph’s College.

“Our vocation is not only a personal calling, but a mission of light and hope,” ayon kay Bishop Ayuban.

Dagdag pa ng obispo, tulad ni Simeon na kumilala kay Hesus bilang liwanag at kaligtasan, tinatawagan ang mga consecrated persons na ihayag ang liwanag ni Kristo sa mundong dumaranas ng dilim at pagkakahati-hati.

Ipinaliwanag ni Bishop Ayuban na ang pamumuhay sa mga panata ng kalinisang-puri, kahirapan, at pagsunod ay nagiging tanda ng kalayaan at paglilingkod.

“Our life of chastity, poverty, and obedience frees us from attachments that bind many hearts. It allows us to be witnesses of simplicity, generosity, and solidarity in a fragmented world,” ani ng obispo.

Binigyang-diin din niya ang paalala ng yumaong Pope Francis na ang pagiging konsagrado ay hindi nasusukat sa dami ng gawain o nakikitang resulta, kundi sa lalim ng panloob na buhay-pananalangin at pagiging bukás sa kalooban ng Diyos.

Ginamit din ng obispo ang simbolo ng kandila upang ilarawan ang tawag sa buhay na konsagrado bilang isang patuloy na tanglaw sa lipunan.

“In a world that measures success by numbers and performance, our witness of patience, prayer, and fidelity is a radical and hopeful message… Having received the light of Christ, we are entrusted to carry it forward—not by spectacle, but by steady faithfulness,” dagdag ni Bishop Ayuban.

Hinimok ng obispo ang mga consecrated persons na manatiling tapat sa kanilang bokasyon at ipinaubaya sa panalangin sa Mahal na Birheng Maria ang patuloy na pagdadala ng liwanag ni Kristo sa buong daigdig.

“Consecrated life is a gift of the Holy Spirit to the Church, a light for the world, and a reminder that God is always faithful,” giit ng obispo.

Dumalo sa pagtitipon ang humigit-kumulang 1,100 consecrated persons mula sa iba’t ibang religious congregations sa bansa, kung saan pinangunahan ni Bishop Ayuban ang panunumpa sa katapatan ng mga relihiyoso at relihiyosa.

Tampok din sa programa ang panayam ni Professor Heide Mendoza na nakatuon sa tema ng pagdiriwang na “Consecrated Persons: Prophetic Witness of Peace in a Wounded World.”

Batay sa kasaysayan, itinatag ang World Day for Consecrated Life ni St. John Paul II noong 1997 upang kilalanin, pasalamatan, at ipanalangin ang mga taong nag-alay ng kanilang buhay sa Diyos sa pamamagitan ng buhay relihiyoso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 132,184 total reads

 132,184 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 206,961 total reads

 206,961 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 240,410 total reads

 240,410 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 275,708 total reads

 275,708 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 497,102 total reads

 497,102 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top