Pamumuno sa Caritas Philippines, ipinagkatiwala ni Bishop Bagaforo kay Bishop Alminaza

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,463 total reads

Pormal nang ipinagkatiwala ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang patuloy na misyon ng Caritas Philippines kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, sa isinagawang ceremonial turnover sa pagtatapos ng ika-41 National Social Action General Assembly (NASAGA) 2025.

Isinagawa ang turnover sa pagbubukas ng 42nd National Social Action General Assembly (NASAGA) 2026 sa Mother of Grace Convention Center sa Tagaytay City noong February 2, 2026, kasabay ng Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo.

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Bishop Bagaforo sa mga diocesan social action centers, partner organizations, volunteers, donors, mga kawani, at lahat ng kanyang nakasama sa paglilingkod bilang pinuno ng social action, humanitarian, development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (CBCP-ECSA-JP).

“I didn’t walk this path alone. I walk it with you… You have shown again and again what it means to serve with professionalism and a heart rooted in love,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Binigyang-diin ng dating pangulo ng Caritas Philippines na hindi nagtatapos ang misyon ng Simbahan sa pagtataguyod sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Sa halip, ayon kay Bishop Bagaforo, ito ay nagpapatuloy at nakaugat sa diwa ng sinodalidad at sama-samang pananagutan ng sambayanan.

Tiniyak din ni Bishop Bagaforo na sa kanyang tungkulin bilang bagong chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Interreligious Dialogue, ay kaniyang ipagpapatuloy ang adhikain ng Caritas Philippines sa pagtataguyod ng kapayapaan pakikipagdiyalogo, at pagsusulong ng pagbabagong panlipunan.

“The mission continues and so as my solidarity with you. Let us keep walking together, trusting that God who began this good work in us will bring it to fulfillment.”

Samantala, inaasahang ipagpapatuloy ni Bishop Alminaza ang adbokasiya ng Caritas Philippines sa katarungang panlipunan, pangangalaga sa kalikasan, at pagtugon sa pangangailangan ng mga maralita at higit na nangangailangan, kasabay ng mga hamon ng makabagong usaping kinahaharap ng bansa

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 36,322 total reads

 36,322 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 70,997 total reads

 70,997 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 100,175 total reads

 100,175 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 136,657 total reads

 136,657 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 152,677 total reads

 152,677 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 84,454 total reads

 84,454 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top