Pagdiriwang ng World Day of the Sick, pangungunahan ng Archdiocese of Manila at Order of Malta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,048 total reads

Pangungunahan ng Health Care Ministry ng Archdiocese of Manila at ng Order of Malta Philippines ang pagdiriwang ng ika-34 na World Day of the Sick o Pandaigdigang Araw ng mga Maysakit.

Sa liham sirkular, sinabi ni Manila Archdiocesan Chancellor Fr. Carmelo Arada, Jr., na ang pagdiriwang ay mahalagang pagkakataon upang kilalanin at pahalagahan ang mga nangangalaga sa mga may karamdaman.

Tema ngayong taon ang “The compassion of the Samaritan: loving by bearing another’s pain,” na naglalayong ipagdiwang hindi lamang ang kalagayan ng mga maysakit, kundi maging ang mga sakripisyo ng mga healthcare worker, caregivers, at mga pamilyang patuloy na nag-aalay ng panahon at lakas upang maibsan ang paghihirap ng kanilang mga mahal sa buhay.

“It is opportune that on this day we recognize and appreciate those who care for sick priests and religious in the health care ministry, our health care workers, caregivers, watchers in the hospital, family members who care for their loved ones,” ayon kay Fr. Arada.

Ipinagdiriwang ang World Day of the Sick tuwing ika-11 ng Pebrero, kasabay ng Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Lourdes, sa pamamagitan ng panalangin, kawanggawa, at sakripisyong iniaalay para sa mga may sakit at sa mga naglilingkod sa kanila.

Kaugnay nito, pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Banal na Misa sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Concepcion o Manila Cathedral, sa ganap na alas-nuebe ng umaga.

Inaanyayahan ang lahat ng parokya at institusyong saklaw ng arkidiyosesis na makilahok at patuloy na makiisa sa panalangin at suporta sa mga may sakit.

Sa mensahe ng Kanyang Kabanalan Leon XIV para sa 34th World Day of the Sick, iginiit ng Santo Papa na ang pangangalaga sa mga maysakit ay hindi lamang pansariling tungkulin kundi isang misyon ng buong Simbahan, kung saan may mahalagang gampanin ang pamilya, komunidad, health worker, at pastoral workers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 32,619 total reads

 32,619 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 67,294 total reads

 67,294 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 96,620 total reads

 96,620 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 133,102 total reads

 133,102 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 149,349 total reads

 149,349 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 84,251 total reads

 84,251 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top