EDSA KWARENTA: Simbahan at mga Paaralang Katoliko, iginiit na ang demokrasya ay dapat na ipinaglalaban

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,470 total reads

Sa nalalapit na paggunita ng bansa ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, muling pinaalalahanan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) at ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catholic Education (CBCP_ECCE) ang sambayanang Pilipino na ang demokrasya ay hindi kusang nananatili, kundi ito ay patuloy na ipinaglalaban.

Sa inilabas na magkasanib na pahayag, binalikan ng Simbahan ang makasaysayang pagtitipon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) kung saan milyun-milyong Pilipino ang nagkaisa sa panalangin, pananampalataya, at paninindigan upang wakasan ang diktadura.

“Forty years later, the lessons of EDSA remain urgent. Democracy is never self-sustaining. It demands vigilance, active participation, and fidelity to truth. Governance must be anchored in accountability, respect for human rights, transparency, and service to the common good,” ayon sa nagkakaisang pahayag ng CEAP at CBCP-ECCE.

Inalala rin ang mahalagang papel ng Radio Veritas na tumawag sa konsensiya ng bayan, ang moral na pamumuno ni Cardinal Jaime Sin at ng CBCP, at ang desisyon ng mga repormistang sundalo na piliin ang Konstitusyon kaysa sa rehimen.

“We remember the voice of Radio Veritas calling the nation to conscience, the moral leadership of Cardinal Jaime Sin and the CBCP, and the decisive stand of reformist soldiers who chose loyalty to the Constitution over allegiance to a regime. EDSA was a “Rosary miracle,” a triumph of peaceful resistance over dictatorship, and a defining moment when ordinary citizens and families, religious leaders, members of civil society, students, and youth leaders stood between tanks and violence, armed with a collective will,” ayon sa pahayag.

Tinawag ang EDSA bilang isang “Rosary miracle,” isang tagumpay ng mapayapang paglaban sa karahasan at pang-aapi, kung saan karaniwang mamamayan—mga pamilya, kabataan, relihiyoso, at lider ng civil society—ang humarang sa mga tangke, tangan lamang ang lakas ng nagkakaisang bayan.

Binalaan din ang publiko na ang paglimot sa mga aral ng Batas Militar, ang pagpapabaya sa katiwalian, at ang paglaganap ng historical distortion at disinformation ay tuwirang nagbabanta sa mga kalayaang mapayapang ipinaglaban ng sambayanan.

February 25-bilang academic holiday

Bilang bahagi ng paggunita, nanawagan ang CEAP at CBCP-ECCE sa lahat ng Katolikong paaralan at institusyong pang-edukasyon na ideklara ang Pebrero 25 bilang academic holiday para sa pagninilay, pag-alala, at paghubog ng kamalayang sibiko. Hinikayat ang pagdaraos ng mga banal na misa, youth forums, at mga talakayan ukol sa pagtatanggol sa katotohanan at katarungan.

Iginiit na ang kabataan, bilang tagapagmana ng demokratikong espasyo, ay kailangang linangin ang kaalaman, pagpapahalaga, at lakas ng loob upang labanan ang inhustisya, maling impormasyon, at mga tendensiyang awtoritaryan. Kasabay nito, hinikayat ang civil society at mga tagapagtanggol ng karapatang pantao na ipagpatuloy ang pagbabantay sa kalayaang sibil, at ang media na ipagtanggol ang press freedom at makatotohanang pamamahayag bilang pananggalang laban sa abuso ng kapangyarihan.

Nanawagan din ang Simbahan sa militar at pulisya na manatiling tapat sa kanilang tungkuling konstitusyonal na protektahan ang mamamayan at ang batas; sa sektor ng negosyo na isulong ang etikal at transparent na pamumuhunan; at sa mga pamilya at pamayanan na ituro sa susunod na henerasyon ang mga pagpapahalaga ng pagkakaisa, di-karahasan, at makabuluhang pakikilahok.

Hinimok din ang Kongreso at Senado na kumilos laban sa political dynasties, wakasan ang malawakang katiwalian, at palakasin ang people empowerment sa pamamagitan ng matatag na pamumuhunan sa edukasyon.

Ayon pa sa pahayag, “EDSA is not only a commemoration, it is an unfinished movement that demands vigilance, active participation, and collective resolve from all sectors. To honor it authentically is to combat revisionism, defend democratic principles, and build a nation where justice, dignity, and peace are lived realities.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 124,722 total reads

 124,722 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 158,051 total reads

 158,051 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 190,195 total reads

 190,195 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 256,258 total reads

 256,258 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 267,471 total reads

 267,471 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top