Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo sa Kongreso: Ang tunay na pinuno, nagpapagaan ng pasanin ng bayan

SHARE THE TRUTH

 2,869 total views

Mamuno hindi lamang gamit ang talino at kakayahan kundi nang may pagmamahal sa nasasakupang pinaglilingkuran.

Ito ang panawagan ni Tarlac Bishop-emeritus Florentino Cinense sa mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan sa misang ginanap sa House of Representatives.

Ayon sa obispo, ang tunay na pamumuno ay nasusukat sa kakayahang magbuhat ng kapwa at magpagaan ng pasanin ng mamamayan.

“Let us strive to be leaders who listen with empathy before we speak with authority, act with urgency when we see suffering, and lead with a heart for service that transcends party lines,” ayon sa homiliya ni Bishop Cinense.

Dagdag pa ng obispo, “May your hands always be open to give, your minds always sharp to solve, and your hearts always soft enough to care.”

Giit pa ni Bishop Cinense, ang iiwanang pamana ng mga lider ay hindi ang titulo o posisyon, kundi ang mga buhay na kanilang napabuti.

Ipinunto rin ng obispo na ang mga bayani ng bansa ay nag-alay ng buhay hindi para sa interes ng partido o apelyido, kundi para sa isang Pilipinas na makatarungan, malaya at may dignidad.

Ang banal na misa ay dinaluhan ng ilang mambabatas na pinangungunahan ni House Speaker Faustino Dy III at bahagi ng lingguhang Spiritual and Values Enhancement Formation Program ng Mababang Kapulungan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 32,333 total views

 32,333 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 50,682 total views

 50,682 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 68,966 total views

 68,966 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 223,935 total views

 223,935 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 268,382 total views

 268,382 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Pagbabago sa Traslacion 2027, inaasahan

 64,571 total views

 64,571 total views Tiniyak ng pamunuan ng Quiapo Church ang pagkakaroon muli ng pagbabago sa gagawing pagdiriwang ng Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno para sa

Read More »

2026 national budget, nilagdaan ni PBBM

 54,884 total views

 54,884 total views Pormal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang PHP6.793 trillion National budget para sa taong 2026. Ginanap ang paglagda sa General Appropriations

Read More »
Scroll to Top