Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

ACSP 29th National Assembly, matagumpay sa pagpapalaganap ng pananampalataya

SHARE THE TRUTH

 3,895 total views

Matagumpay na idinaos ang 29th National Assembly ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages (ACSP) sa Minor Basilica and Parish of La Purisima Concepcion sa Santa Maria, Bulacan.

Ayon kay ACSP President, Fr. Reynante Tolentino, ang pagtitipon ay nagbigay-daan sa mas malalim na dayalogo, pagbabahagi ng karanasan, at pagtutulungan ng mga Rector, Parish Priest, altar servers, at mga tagapangalaga ng dambana sa buong bansa. Layunin nito na higit na mapalakas at mapangalagaan ang mga Pilgrim Sites at dambana bilang tahanan ng Diyos at ng mga deboto.

Nagpasalamat din ang pari kay Bishop Dennis Villarrojo ng Diocese of Malolos, pati na rin sa lahat ng parokya, pari, at kawani ng simbahan na tumulong sa mga delegado ng ACSP. Binanggit ni Fr. Tolentino ang pagsisikap ng bawat miyembro ang naging susi sa matagumpay na pagpapatibay ng pananampalataya sa lokal na komunidad.

Hinimok din ng pari ang mga Pilipino na suportahan ang mga adbokasiya ng ACSP, lalo na sa pagpapabuti ng mga dambana at pagpapalaganap ng pananampalataya, bilang paghahanda sa 30th ACSP National Assembly na gaganapin sa Bohol sa 2028.

Ayon kay Fr. Tolentino, “Two years pa mula ngayon, ngunit magsasama-sama tayo ulit upang magdiwang, magbahagi ng karanasan, at patatagin ang ating pananampalataya sa Panginoong Hesukristo at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.”

Naging tampok sa 29th ACSP National Assembly ang pagtutulungan at pagdayalogo upang mas mapalakas ang mga dambana at pilgrimages site sa Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 70,753 total views

 70,753 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 89,102 total views

 89,102 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 107,386 total views

 107,386 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 262,156 total views

 262,156 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 306,603 total views

 306,603 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Contractualization, pinabubuwag ng EILER

 30,412 total views

 30,412 total views Isinusulong ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER ang pamamayani ng katarungan para sa mga manggagawang dumaranas ng paniniil mula

Read More »
Scroll to Top