Bishop Rapadas, nagpaabot ng pakikiramay at pakikiisa sa mga nasalanta ng bagyong Basyang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,810 total views

Nagpaabot ng pakikiramay at pakikiisa si Iligan Bishop Jose Rapadas III sa mga mamamayan ng Iligan City, Lanao del Norte na naapektuhan ng bagyong Basyang, lalo na ang mga pamilyang napilitang lumikas, nawalan ng ari-arian, at naapektuhan ang kabuhayan dahil sa malawakang pagbaha.

Sa liham pastoral, inalala ni Bishop Rapadas na para sa maraming Iliganon, muling nagbalik ang takot at emosyonal na pinsalang iniwan ng Bagyong Sendong noong 2011.

Bagamat hindi kasing tindi ng Bagyong Sendong, ayon sa obispo, malinaw na ipinakita ng Bagyong Basyang na nananatiling mapanganib ang lungsod tuwing may malalakas na pag-ulan.

“The fear we felt was not only because of what we saw, but because of what we remember. While Basyang did not bring the same scale of casualty, it reminded us that our city remains vulnerable and that’s because, to be honest, we have not acted enough on the lessons we learned,” pahayag ni Bishop Rapadas.

Binigyang-diin ni Bishop Rapadas na hindi lamang matinding pag-ulan ang dahilan ng malalang pagbaha, kundi ang pinagsama-samang epekto ng pagkasira ng kalikasan—kabilang ang pagkaubos ng kagubatan, pagkipot at pagputik ng mga ilog, baradong drainage system, at patuloy na suliranin sa solid waste management.

Kasabay nito, kinilala at pinasalamatan ng pastol ng Iligan ang mabilis at maagap na pagtugon ng mga lokal na pamahalaan, disaster response teams, mga kawani ng barangay, uniformed personnel, at mga volunteer mula sa Simbahan at social action centers, na naging kasangkapan upang maiwasan ang pagkawala ng buhay.

“The early warnings, pre-emptive evacuations, rescue operations, and quick response helped prevent loss of life. These efforts show that preparedness saves lives, and for this, we give thanks,” ayon kay Bishop Rapadas.

Bilang tugon sa karanasan ng Basyang, nanawagan ang obispo ng mas malalim na pagkakaisa at kongkretong pagkilos, hindi lamang sa pamamahagi ng relief goods kundi pati na rin sa pangmatagalang pangangalaga sa kalikasan bilang bahagi ng pananampalataya.

Iginiit ni Bishop Rapadas na ang pangangalaga sa sangnilikha ay hindi opsyonal kundi isang moral na pananagutan, kaakibat ng tunay na pagmamahal sa kapwa, tulad ng itinuro ni Pope Francis sa Laudato Si’.

Inatasan din ng obispo ang Diocesan Integral Ecology Ministry, katuwang ang mga parokya, paaralan, Basic Ecclesial Communities, kabataan at social action partners, na manguna sa environmental education at mga programang tulad ng watershed protection, tree-growing, river at drainage clean-up, at solid waste management.

Nanawagan din ang pastol ng Iligan sa mga lokal na opisyal at ahensiya ng pamahalaan para sa malinaw, tapat, at patuloy na hakbang sa flood control at environmental protection upang makamit ang mas ligtas at mas matatag na lungsod.

“We ask you to work closely with civil society and church communities so that together, as “salt and light of the world”, we may build a safer, more resilient, and ecologically balanced Iligan for present and future generations,” ayon kay Bishop Rapadas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 25,275 total views

 25,275 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 110,034 total views

 110,034 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 127,870 total views

 127,870 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 173,428 total views

 173,428 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top