Gawing buhay na saksi ng malasakit ang 34th World Day of the Sick, paanyaya ng CBCP-ECHC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,678 total views

Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines — Episcopal Commission on Healthcare (CBCP-ECHC) ang mga mananampalataya na gawing buhay na saksi ng malasakit ang pagdiriwang ng 34th World Day of the Sick.

Ayon kay Camillian Fr. Dan Cancino, Executive Secretary ng CBCP–ECHC, ito ay paanyaya ng Simbahan upang palalimin ang kamalayan sa kalusugan bilang mahalagang bahagi ng buhay-pananampalataya.

Ibinahagi ni Fr. Cancino na nagsimula ang pagdiriwang noong ika-7 ng Pebrero sa Archdiocese of Lipa, sa pangunguna ni CBCP President, Lipa Archbishop Gilbert Garcera, kung saan nagsagawa ng Banal na Misa, kinilala ang mga healthcare at pastoral care workers, at bumisita sa mga maysakit.

“Ang World Day of the Sick ay hindi lamang isang selebrasyon, kundi isang pagpapatuloy ng malasakit ng Simbahan sa mga nagdurusa,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag pa ng pari, aktibong ginugunita ang okasyon sa iba’t ibang diyosesis, ospital, at parokya, patunay ng lumalawak na pagkilala sa kahalagahan ng kalusugan sa buhay ng pamayanan.

Kabilang dito ang Nationwide celebration ng Pandaigdigang Araw ng mga Maysakit sa Sabado, February 14, 2026, na gaganapin sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar o Imus Cathedral sa Diyosesis ng Imus, sa pamamagitan ng Banal na Misa na pangungunahan ni CBCP-ECHC Chairman, Imus Bishop Reynaldo Evangelista.

“Mas pinahahalagahan na natin ngayon ang kalusugan at ginagawa itong bahagi ng buhay ng komunidad at parokya,” dagdag ni Fr. Cancino.

Binigyang-diin din ni Fr. Cancino ang mensahe ni Pope Leo XIV, na ginamit ang talinghaga ng Mabuting Samaritano bilang huwaran ng paglapit sa kapwa, lalo na sa mahalagang gampanin ng mga nangangalaga sa mga may karamdaman.

Paliwanag ng pari, ang pagdiriwang ng World Day of the Sick ay hindi dapat matapos sa mga programa at ritwal lamang, kundi isang paanyaya na makita ang mukha ng Diyos sa mga maysakit, at makita rin nila ang Diyos sa pamamagitan ng kongkretong pagkilos ng kapwa.

“Hindi kailangang malaki o magastos—ang mahalaga ay ang payak ngunit taos-pusong pag-aalaga na nagdudulot ng pag-asa at liwanag,” ayon kay Fr. Cancino.

Tema ngayong taon ang “The compassion of the Samaritan: loving by bearing another’s pain,” na nagbibigay-diin sa malasakit sa mga maysakit at sa pag-aalay ng panahon ng mga healthcare worker, caregivers, at pamilya na nangangalaga sa kanila.

Itinatag ni Saint John Paul II noong May 13, 1992 ang World Day of the Sick, na ginugunita tuwing ika-11 ng Pebrero, kasabay ng Paggunita sa Mahal na Birhen ng Lourdes, bilang araw ng panalangin, pagbabahagi, at paalala na makita ang mukha ni Kristo sa bawat kapwa na maysakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 153,525 total views

 153,525 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 183,748 total views

 183,748 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 210,394 total views

 210,394 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 305,367 total views

 305,367 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 316,369 total views

 316,369 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top