Walang synodality kapag nakasentro ang paglilingkod sa sarili, babala ni Cardinal Tagle sa kaparian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,414 total reads

Nagbabala si Cardinal Luis Antonio Tagle na nasisira ang tunay na diwa ng synodality kapag nakasentro sa sarili ang paglilingkod sa Simbahan sa halip na nakatuon kay Kristo.

Sa kanyang mensahe sa mga pari sa 47th Diocesan Clergy of Mindanao Assembly na ginanap sa Zamboanga City mula February 10 hanggang 12, iginiit ng pro-prefect ng Vatican Dicastery for Evangelization na ang pagiging sentro ng sarili ang pinakamalaking banta sa sama-samang paglalakbay ng Simbahan.

“Synodality is destroyed when we start walking, comporting ourselves, behaving as though we were the center of the world,” ayon sa pahayag ni Cardinal Tagle.

Paliwanag ng kardinal na ang synodality ay hindi simpleng pagbuo ng mga komite o istruktura kundi isang espirituwal na paglalakbay na nakaugat sa tunay na pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa kapwa.

“But without the proper and authentic spirituality, which will be the root of a renewed pastoral exercise, exercise of pastoral authority, and service, there will be no synodality. It is not just about creating more committees, commissions, and bodies of consultation… without the spirit of walking humbly with God and with one another, nothing will happen,” giit ng kardinal.

Binigyang-diin ni Cardinal Tagle na ang halimbawa ni Hesus, ang Diyos na nagpakababa at nakisama sa mga makasalanan, mahihirap at nasa laylayan ang dapat na maging huwaran sa pamumunong pastoral ng mga pari.

“How do we exercise our sacred ministry? Is it with pride? Even with intimidation? Or is it with the spirit of humility, with the spirit of justice and love?” hamon ng kardinal sa mga pari.

Inihalimbawa rin niya ang mensahe ni Propeta Micah, na ang paglalakad kasama ang Diyos ay nangangahulugan ng pag-ibig sa katarungan at kabutihan.

Samantala, binigyang-diin ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang Eukaristiya bilang sentro sa paglalakbay ng Simbahan sa diwa ng synodality.

“The image of the Church journeying in synodality is an especially apt expression of our mission to lead people toward the Kingdom of God, remembering always and keeping in mind the centrality of the Eucharist,” ayon sa mensahe ni Archbishop Brown.

Paliwanag ni Archbishop Brown, ang Eukaristiya ang lakas at pagkain ng Simbahan sa kanyang paglalakbay kasama si Kristo.

Aniya, ang salitang synodality ay tumutukoy sa paglalakad nang magkakasama.

Pinuri rin ng kinatawan ng Santo Papa ang mga pari ng Mindanao sa kanilang pagtitipon bilang pagkakataon upang makinig sa isa’t isa at pag-ibayuhin ang paglilingkod sa lokal na Simbahan.

“Your convention is a privileged moment for you, as priests, to come together, listen to one another, and share experiences and insights on how best to serve our Catholic people at this specific moment in history,” ani Brown.

Dumalo sa 47th DCM Assembly ang humigit kumulang 800 mga pari kasama ng mga obispo sa 22 ecclesiastical territories ng Mindanao region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 78,297 total reads

 78,297 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 112,948 total reads

 112,948 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 148,248 total reads

 148,248 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 374,517 total reads

 374,517 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 263,691 total reads

 263,691 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top