Simba kalusugan, ilulunsad ng CBCP-ECHC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,125 total reads

Ilulunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Healthcare (CBCP–ECHC) ang Simba Kalusugan, isang programang naglalayong ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga pamayanan sa pamamagitan ng mga parokya at institusyong Katoliko.

Ayon kay Camillian Fr. Dan Cancino, Executive Secretary ng CBCP–ECHC, katuwang ng simbahan sa programa ang Department of Health (DOH), at layong ipalaganap sa iba’t ibang rehiyon, lalawigan, at lokal na pamahalaan sa buong bansa upang higit na mapahalagahan ang kalusugan ng bawat tao.

Ipinaliwanag ng pari na itinuturing ng Simba Kalusugan ang pangkabuuang aspeto ng tao sa pisikal, emosyonal, pangkaisipan, at espiritwal.

“Pinagsasama rito ang panalangin, pagsisimba, at kalusugan. Sa mga espasyo ng simbahan, espasyo ng ating mga Catholic institution, dun tayo naghahandog ng healthcare services,” pagbabahagi ni Fr. Cancino sa panayam ng Radyo Veritas.

Bagama’t may mga parokya nang nagsasagawa ng libreng medical services matapos ang Banal na Misa, sinabi ni Fr. Cancino na mas paiigtingin ito sa ilalim ng Simba Kalusugan sa pamamagitan ng pagdadala ng mga dalubhasa at serbisyong karaniwang matatagpuan lamang sa mga ospital.

Dagdag ng pari, sa halip na ang mamamayan ang pumunta sa mga healthcare facility, ang mismong serbisyo ang inilalapit sa mga pamayanan bilang kongkretong pagtugon ng Simbahan at ng pamahalaan sa mga nahihirapang maka-access ng serbisyong medikal.

“It’s more of a parish-based healthcare service. So, mas marami ang maaabot dahil mas accessible. Mas grounded kung sino ‘yung mas nangangailangan kasi mas available siya, at sabihin na natin, mas affordable,” ayon kay Fr. Cancino

Gaganapin ang paglulunsad sa Simba-Kalusugan program sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar o Imus Cathedral sa Diyosesis ng Imus sa February 14, 2026, kasabay ng National Celebration ng 34th World Day of the Sick.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 75,829 total reads

 75,829 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,674 total reads

 110,674 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 145,974 total reads

 145,974 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,243 total reads

 372,243 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 261,523 total reads

 261,523 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,032 total reads

 155,032 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top