Patuloy na pagpapanibago, hamon ni Bishop Corsiga sa Mindanao Priests

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,032 total reads

Hinimok ni Ipil Bishop Glenn Corsiga ang mga pari ng Mindanao na piliin ang patuloy na pagpapanibago bilang tugon sa mga hamon at sugat na kinahaharap ng Simbahan.

Sa pagninilay sa pagtatapos ng 47th Diocesan Clergy of Mindanao Assembly sa Immaculate Conception Cathedral sa Zamboanga City, iginiit ng obispo na ang katapatan sa bokasyon ay hindi minsanang desisyon kundi patuloy na pagpili.

“It is a decision to stay renewed over and over again because we believe that a renewed clergy is a renewed Church,” pahayag ni Bishop Corsiga.

Kinilala ng obispo na maraming pari ang dumaraan sa pagod, pagkadapa, at panloob na pakikibaka sa gitna ng mga puna at batikos laban sa Simbahan na maituturing na mga “war zones” ng lipunan.

“Some have fallen time and again… But the choice to stay is the same choice that brings utter healing, because in brokenness, the Lord comes to make life whole again,” dagdag ng obispo.

Binigyang-diin ni Bishop Corsiga na ang pagiging synodal na Simbahan ay nangangailangan ng mahinahong pakikipagdayalogo sa kabila ng mga “contradictions” sa kanilang prophetic witness.

“The contradictions we face regarding our propetic witness should not prevent us from standing on the ground,” ani ng obispo.

Hinimok din nito ang mga pinuno ng diyosesis na maging sensitibo sa mga palatandaan ng pagkapagod, pag-iisa, at maging sa pinansyal na suliranin ng ilang pari upang maagapan ang mas malalim na krisis.

“When you wrestle with a problem, it does not mean you are broken. It only shows you that the right decisions are missing along the way… Wounded people wound others. Healed people heal others,” giit ni Bishop Corsiga.

Dinaluhan ng halos 800 pari mula sa iba’t ibang diyosesis sa Mindanao ang tatlong araw na pagtitipon na layuning patatagin ang pagkakaisa, espiritwal na buhay, at pastoral na misyon ng kaparian sa rehiyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 14,617 total reads

 14,617 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 52,744 total reads

 52,744 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 70,954 total reads

 70,954 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 155,282 total reads

 155,282 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 191,954 total reads

 191,954 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 1,936 total reads

 1,936 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top